Feeling Down?

24 3 0
                                    

We all have that ups and downs in our life. But no matter what happens, don't give up.

Iyan ang natutunan ko sa buhay ko. May mga bagay na gusto mo nalang talaga iiyak, gusto mong iiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata mo. Pagod na pagod ka na. You are so exhausted to the point that you just want to die or kill yourself.
Mga dahilan? Family, friends, school, work, lovelife and such. Hindi maitatanggi na sila ang mga top reasons kung bakit tayo nagkakaganun. Sabi nga, ang mga problema ay hindi naiiwasan. At kapag naka-encounter ka, daanan mo lang at huwag tatambayan.

Paano ko mapipigilan ang sarili ko na huwag panghinaan ng loob?

Simple. Talk to Him. Mas gagaan ang loob mo kung magkakaroon ka ng maayos na pakikipag-komunikasyon sa kanya. Alam nating alam na Niya ang gusto nating sabihin sa simula palang, but nevertheless, talk to Him. Sigurado akong gagaan ang loob mo.

Dahil ang pagkakaroon ng komunikasyon sa Diyos ay hindi lang naman basta-basta. Ang paghiling, paghingi ng tawad at pagpapasalamat ay hindi sapat, sa tingin ko.

Ikuwento mo ang mga nangyayari sa buhay mo. Mahalin mo Siya na parang Ama mo at kausapin mo Siya na parang kaibigan o kapatid mo.

Kung pakiramdam mo'y wala nang nagmamahal sa iyo, pakiramdam mo'y galit ang lahat sa'yo at kinasusuklaman ka, huwag kang mag-alala. Dahil talikuran ka man ng lahat, nandiyan pa rin Siya para sa iyo. Hindi ka Niya iiwan, through ups and downs, He'll always be there for you.

Iyang mga napagdadaanan mo, pagsubok lang 'yan. Ibinigay sayo dahil alam Niyang kaya mo yan masolusyonan, maresolbahan at ito ang magtuturo sayo para maging malakas ka.

note: unedited. I'm feeling down right now and I just wanted to voice out my thoughts. So yeah. 

Craps (Literally)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon