Give In

36 13 2
                                    


"Sasabay ka ba sa amin ngayon kumain?" Tanong niya. Bakas sa kaniyang mga mata ang pag-asa na pauunlakan na nito ang matagal na niyang imbitasyon.

Ngunit umiling lang ito bilang pagsagot. Saka siya napabuntong hininga. Kailan kaya darating ang panahon na manunumbalik na ang dati nitong saya?

Gaano katagal na panahon ba ang hihintayin niya para makuha ang tiwala nito?

"Lei, look at me," utos niya at hinawakan ang baba nito upang mapatingala ang babae.

Nag-iwas ito ng tingin pero pinilit niyang salubungin ang mga mata nito.

"Hanggang kailan ka iiwas sa akin?"

"Hanggang sa mapagod ka."

Nahigit niya ang kanyang hininga. Labis na nasaktan sa narinig niya mula sa babaeng mahal na mahal niya. Hanggang sa mapagod siya? Pero wala iyon sa bokabularyo niya.

Determinado siyang nagsalita, "Hinding-hindi kita susukuan."

"Wala 'tong patutunguhan. Ilang beses na kitang sinabihan. Kaya naman pakiusap, tumigil ka na."

Umiling siya ng ilang beses, "Hindi. I will never get tired of you. Kukulitin kita nang kukulitin hanggang sa mapagod ka na at ikaw ang bumigay sa akin. Hindi uso sa akin ang salitang 'pagsuko.' Tandaan mo 'yan. Hindi ako ang mapapagod. Ikaw. Ikaw ang mapapagod. Darating din ang araw na magiging masaya ka na muli, darating din ang araw na makakalimutan mo siya. I'm not going to give up. So give in to me, Lei. Give in to me."

edited. 052419

Craps (Literally)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon