Paminsan-minsan,
Naaalala pa rin kita.
Paminsan-minsan,
Hinahanap-hanap ka pa rin
Nitong puso kong hindi
Marunong lumimot.
Paminsan-minsan,
Naririnig ko pa rin
Ang boses mo sa bawat
Kantang napapakinggan ko.
Paminsan-minsan,
Nakikita pa rin kita
Sa mga lugar na sumisimbolo
Ng ikaw at ako,
Ng tayo.
Paminsan-minsan,
Binibisita ko pa rin
Ang mga dati nating tinutunguhan.
Paminsan-minsan,
Natatawa at nangingiti ako
Sa mga retratong
Alaala natin ang nakakulong.
Paminsan-minsan,
Nahihirapan pa rin talaga
Sa tuwing haharap ako
Sa mga bagay-bagay
Nang hindi hawak ang mga kamay mo.
Paminsan-minsan,
Pumapatak pa rin
Ang mga luha
Dala ng gabi-gabing paggugunita.
Paminsan-minsan,
Masakit pa rin.
Pero sa madalas na
Paminsan-minsan,
Nasasanay na rin.
BINABASA MO ANG
Craps (Literally)
De TodoCraps list: •One shot stories •Poems •Proses •Random Thoughts •Rants ©2017 artophilia/Julienne Somera-Lee All Rights Reserved