Nasa isang bangka tayo
sinusuong lahat ng alon
niyayakap ng mga balat natin
ang bawat init ng isa't isa
dinadama ng hawak-kamay
ang malamig na simoy sa gabi
ngunit bago pa man natin matanaw ang dulo
nawala ka sa gitna
at wala akong nagawa kundi
suungin ang bawat alon
yakapin ang sarili
damhin ang lamig
ng mag-isa
Babalik ka pa ba?
dahil ayokong maghintay
sa gitna ng mag-isa.
Hindi ko pa man nararating ang dulo
hindi ko pa man tanaw ang dulo
hindi ko pa man ito nasisilayan--
parang hindi ko na ito kailangan
Nasa gitna pa lamang tayo,
pinaramdam mo na ito.
BINABASA MO ANG
Craps (Literally)
AlteleCraps list: •One shot stories •Poems •Proses •Random Thoughts •Rants ©2017 artophilia/Julienne Somera-Lee All Rights Reserved