UNANG PAGSULAT

1.8K 15 0
                                    


Unang pagsulat

pagbuga ng usok
unti unting napapalunok
sumasakit na batok
tanong na umaabot sa tuktok.

hindi maiwasan
ang mga katanungan
ako ay nasaan?
hindi malaman.

ako ay nasaan
nasaan sa kinatatayuan
ano ang kahahantungan
libro ko na walang laman.

walang naisulat
walang maiulat
pilit binabanat
utak na payat.

ako ay tao lamang
ako'y naging mangmang

makakasulat na ko ng libro
tungkol ito sa sarili ko
buhay na di maiwasto
buhay na puno ng gulo.

sana matapos na
sana may tiwala pa
sana may nararamdaman pa
sana totoo pa

sana lang talaga
sana...

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon