ORAS

176 0 0
                                    

"oras"

sa sandaling muli tayo nagkaharap
sa sandaling tayo'y nagusap
oras ang hinihingi at pinapangarap
oras na hindi mahagilap
walang sawang paghihintay
sa taong buhay ay inalay
pagibig na walang malay
sapagkat ikay mahal na tunay
wala eh ganito talaga ako
simula nung makilala mo
simula nung naging tayo
hanggang sa ang lahat ay naging malabo
malabo na parang plastic
kahit puno na pilit isinisiksik
makapilit lang ng halik
sa mga huli natin hagikgik
tawanan na walang katapusan
mga problema na pinapasan
pero biglang nabitawan
at ang lahat ay nawakasan
pagibig nga naman

hanggang dito na lamang siguro to
dahil wala din naman nang tayo
bakit pa ba magpapakagago
ayaw mo na nga ng tayo
bakit ko pa ba ipagpipilitan to
malamig nanaman ang gabi
lamig na dumidikit sa labi
hindi ko na talaga maitanggi
na masakit talaga pala sa huli
ikaw na binigay ang lahat
kahit sabihing napakabigat
kahit hindi na makayanang mabuhat
tuhod ay pinipilit maiunat.
kasi lasing yun siguro ang dahilan
lasing sa pagibig at katangahan
haluan ang inumin ng kagaguhan
at nang ang puso ay di na maramdaman

hayaang maging manhid
sa bawat hangin na pumapahid
hayaan na rin mapayid
pero hindi hahayaan na mapatid

dahil tapos na
dahil wala na
mahal mo ba sya?
oo
mahal ka ba nya?
siguro.

mahal mo pa ba sya?
oo
mahal mo pa rin ba sya?
siguro
mahal mo pa ba talaga sya?

ayoko nang magpakagago
ayoko na, tapos na yung tayo.

-libro ni manong.

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon