MINSAN

194 0 0
                                    

"minsan"

hindi ko na alam minsan kung pano ang gagawin
sa mga panahon na hindi na kayang intindihin
ang mga bagay na sumasalamin
sa relasyon natin
tila nga ba napakabilis
akoy nakakaramdam ng paghihinagpis
pakiramdam na hindi maalis alis
parang nakadikit na kaning panis
bakit ba ganito ang nararamdaman ko
pakiramdam ko ika'y lumalayo
unti unting nagbabago
hindi na yata tama ito
ayoko mangyari ang kinakatakot ko
oo totoo ito
nangyari sakin ito
yung unti unting nagbago
hanggang sa tayo ay naging malabo
wala akong kaalam alam sa nangyari
biglang mayron syang sinabi
"ito na ang huli"
napaksakit pakinggan
parang dibdib ko ay binubuksan
puso koy unti unting sinasaktan
unti unting tinatanggalan
katawan ko ng mga laman laman
nanlulumo
iyan ang nararamdaman ko
noong iyan ang sinabi mo
mundo ko ay biglang gumuho
naiiyak nga ako habang ginagawa
itong madamdamin kong tula
dahil pakiramdam ko nangyayari na nga
yung kinakatakot nung umpisa
ngayon parang nangyayari ulit
nararamdaman ko muli yung sakit
at napapatanong muli ng "bakit"
bakit nadadama ko pa din ang pait
bakit anjan pa ang mga alaala
bakit ba nagtatagal pa
bakit ba ako ay nasasaktan pa
kahit may nagpapasaya nang iba
hindi ko na talaga kaya
nauulit lang ang lahat
mga alaala ay nauungkat
gumugulo lang ang lahat
nawawala ang lahat
natatapos ang lahat.

natatapos
-libro ni manong.

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon