PAHINGI, PAHINGA

145 0 0
                                    

"pahingi, pahinga"

sarap naman nyan pahingi ako
mukhang busog, masarap siguro
makabili nga nakakagutom to
masarap pero di gaano.
ano kaya ang patutunguhan
ng kwentong aking nasimulan
sa pamagat na walang laman
ni hindi mo nga maintindihan,
lagi na lang ang pinaguusapan
pagibig na walang katapusan
hindi ka naman mauubusan
kaya kalma ka lang jan
darating din yan
hindi man ngayon
asahan mo ibibigay din yon
ibibigay din sayo ngayon
hindi lang halata kaya ganon
papaano kaya yung nararamdaman
yung nararamdaman ko na yan
yung andito ako sa iyong pangangailangan
hindi nga lang ako yung hinihingan
pero handa ko naman ibigay
handa din magbuwis buhay
yung buhay mo lagyan natin ng kulay
may nagbibigay nga lagi naman patay
yung kulay hindi yung nagbibigay
pero papano ko sasabihin
kung natatakot din naman ako aminin
pahingi nga ng salamin
kakapalan ko na mukha ko din.
pero natatakot ako sa gagawin ko
baka naman matapos yung tayo
kahit nagiimagine lang ako
dahil hanggang kaibigan lang para sayo
hanggang doon lamang tayo
dahil yun yung nararamdaman mo
kasi kapag inamin ko mawawala ka
ang tingin mo sakin magiiba na
yung parang hindi mo na ako kilala
baka nga pagtingin sakin iwasan mo pa
kaya tinitiis ko ang ganito
masaya na ako sa kung anong meron tayo
hindi ko na hihilingin ito
dahil na din sa kagustuhan mo
kaya nagtitiis ako sa nangyayari satin
anong gagawin ko natatakot ako aminin
dahil baka pati ikaw lumayo sakin
magiging iba na ang tingin
hanggang kaibigan lang talaga
napakasakit din pala
pero ayoko na maging tanga
dahil hindi ko na kaya
isa na lang hihilingin ko
pahingi ng pahinga sa nararamdaman ko
dahil pagod na pagod na ito
kaya kakalimutan ko na lang yung meron tayo
dahil sobrang labo
sa sobrang labo di ko na makita
wala nang maaninag na isang salita
hindi masabing mahal kita
tako ko na lang na mawala ka
pagod na ako sa ginagawa ko
suko na lang ako
kahit hindi na subukan to
kahit hindi na din aminin sayo
dahil hanggang magkaibigan lang tayo
kaya pahingi ng pahinga
dahil ang puso ko pagod na pagod na
wala ng itatakbo pa
wala nang pagmamahal pa
dahil hinahanap mo sa iba

masyado na akong napagod
masakit sa puso hanggang sa likod
kaya wala nang susunod
dahil ako ay pagod.

hanggang dito na lang
dahil ako ay umasa.

-libro ni manong.

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon