ITO NA SIGURO ANG HULI

328 2 0
                                    

sapat na ang pamamaalam
sa mga ibinigay mong liham
na tayo lamang ang nakakaalam
ito na ang huling pamamaalam.
salamat sa lahat lahat
sa mga araw na ako'y iyong binuhat
sa mga araw na ikaw ang nagmulat
sa aking mga matang mabibigat
kahit na ako'y hindi sapat
pinilit ko pa din ang maging tapat
dahil ito ang nararapat
pero sa hindi inaasahang pangyayari
nagbago ang mga ngiti
nanginginig ang mga labi
mga tumutulong luha sa pisngi
masasakit na salita ang namumutawi
pakiramdam ko ay parang inilulubog
hinihila at binubugbog
napakasakit na mahulog
mauuna ang ulo utak talaga ay aalog
hindi man tayo nagtagal
tayo man ay naging hangal
sa mga away natin na sa ati'y nagpapabagal
at ng dahil sa sakit na nadarama
hindi ko na maisip ang mga salita
mga salita na sana'y bubuo pa ng tula
totoo ang nadarama
pero ngayon wala ka na
wala nang inspirasyon
para makabuo ng masasayang panahon
at ng mga kakaibang pagkakataon
wala na ang lahat
nakita ang sarili na hindi sapat
nakita ang sarili na hindi tapat
nasabi sa sarili na hindi na dapat
minahal kita
oo totoo yan ako'y naging tanga
simula pa sa umpisa
lahat ng kalokohan tinanggal ko na
dahil ako ay naging isang tanga
ako ay naging isang hangal
sa tunay na pagmamahal
kahit nararamdaman na hindi magtatagal
oo hindi magtatagal
dahil minahal kita ng sobra
pero ako ay nauubos na
pinilit ko kahit mabutas ang bulsa
maiparamdam lang sayo na mahal kita
kahit gabi gabing nilalamok tiniis ko kasi mahal na mahal kita
kahit pagod ang kamay sa kakasulat ng tula para sayo dahil mahal kita
mahal kita sa akin han ang laging nangunguna
pero hanggang dito na lang pala
tatanungin ko sarili ko ahh
mahal na ba kita?
noon siguro sagot ko "oo"
tatanungin ko ulit sarili ko
mahal pa ba kita?
siguro oo
uulitin ko ulit ito.
mahal pa ba kita?
siguro tama na.

sapat na ang pamamaalam
sa mga ibinigay mong liham
na tayo lamang ang nakakaalam
ito na ang huling pamamaalam.

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon