BUTIHING INA

366 0 0
                                    

Butihing INA
- likha ni Leslie Ann Boongaling Nacario

Inaalala ko ang lahat ng nakaraan
Pag aalaga mo saking tila walang kapaguran
Hindi mo ko magawang talikuran
Dahil ako’y iyong pinahahalagahan

Pagbibigay kaligtasan ang iyong hanggad
Tinuruan mo akong maging isang ganap
Ramdam ko pa noon pag ibig mong ubod ng sarap
Na ngayon ay aking hinahanap hanap

Pagmamahal mo nga ng labis saakin
Simula nga sa sinapupunan hanggan naging tao na din
Pag aalaga’t Pag aaruga nga ay inihandog mo rin
Kaisa-isa kong INA ay mahalaga saakin

Paano ko ba masusuklian ang pagbibigay buhay mo saakin
Sa butihing kong ina na nagpakahirap sakin
Laking pasasalamat ko ng ako’y iyong mahalin
Pagmamahal ko sayo mama walang makakapigil

Bakit ngayon? Ako lahat sumasalo
Problema natin saakin lahat napupunto?
Tila tuluyan nang nawala ang tiwala mo
Sana maging pantay na muli ang pagmamahal mo

Lumalaki ako ng tila malayo na sayo
Masakit dahil hindi ko na ramdam ang pagmamahal mo
Gusto ko nalang masanay sa sitwasyon kong ganto
Mahal kong ina , mahal pa ba ako?

Simulat sapul ikaw na ang kasama
Mula tatlong taon ako't hanggang ngayon mahal kong ina
pinagbawalan mo ko sa maraming bagay na masaya
Masaya ka ! pero paano na ko mama?

Ampon ba akot akoy iyong pinapalayas
Konting pagkakamali akoy iyong hinahampas
Hindi ko na yata ramdam ang pag-ibig mong wagas
Para bang tuluyan mo na kong naposas

Sana tama ang aking nasa isip
Na kaligtasan ko parin ang iyong ninanais
Mahal mo pa ba ko ? gaano nalang ba kalabis
Ang mga ngiti mo sakin ay napalitan na ng inis

Sana mabago ko pa ang lahat ng to
Maibalik ko ang saya na gusto ko
Sabik akong muli sa pag aaruga mo
Natutuwa ako pag ako’y naaalala nyo

Mama sana mapansin mo
Mga luha sa mata ko
Nahihirapan na ko
Paano ko ba maibabalik ang tiwala mo?

Ngayon nga paano ko magiging masaya
Paano ko maipapakitang kaya ko pa
Paano ko tatayo kung malayo kana
Mama? Mahal na mahal po kita

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon