SA MAIKLING PANAHON

193 1 0
                                    

Sa maikling panahon

Ihalintulad natin ang lahat sa usok
May nagtatagal pa kaya sa pusong walang sulok?
Kung nakaharang ang alaalang sa puso nakatusok

Panandaliang nakakaengganyo ang lahat
Dahil para sayo lahat ito'y tapat
Ginawa mo namana kahit di dapat
Pero sa kanya hindi pa din sapat

Panandalian ka niyang pinasaya
Ngunit bigla na lamang siyang nagpasya
"siguro oras na para magkanya kanya"
At dahan dahang tumulo ang luha.
 
Wala ka nang magawa kundi magtanong
Bakit dito tayo sa ganito nahahantong
Na yung iyo palang pinaikot na parang gulong
Hanggang sa napagod at itinulak ka paurong

Dila na nagsasalita ng masasakit
Na dati rati ito'y marikit
Bakit ba nakakapangintngit
Halos sumabog ka na sa galit
Ikaw ay ginamit

Oo sa kanyang kapakanan
Dahil may gustong patunayan
Kaya nyang makipaglaro ng alinlangan
Kahit na sa iba halatang pinaglalaruan.

Walang hanggang katangahan.

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon