WALANG KWENTANG KWENTO

109 1 0
                                    

"Walang Kwentang Kwento"

babasahin mo pa kaya kung sa pamagat ay nagsisimula?
isang hindi makabuluhang kwento ang aking itinutula,
marahil ikaw ay mapapaisip kung itutuloy pa ba?
na ito ay basahin mula sa simula
sa aking kwento na ako ang gumawa?
kahit naman tanungin ko ang madla
o ikaw na nakakakita at nakakabasa
babasahin mo pa ba?

kung hindi mo naman talaga gusto wag nang ipilit
dahil hindi ko naman ito sayo ipipilit
kahit bisitahin mo man nang saglit
gawin mo na lang ikaw ay pumikit
dahil nagsasawa na din naman ako
sa kakapilit sa mga tao
sa kakapilit lalu na sa iyo
na sana maintindihan mo
kung ano yung mga bagay na ginagawa ko
kung hindi naman gusto bakit
bakit pa ba ang sarili ay ipinipilit
sa taong ang isip ay papalit palit
hindi din talaga maintindihan kung bakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon