PAPAUWI

126 0 0
                                    

"papauwi na ako"
napakasarap marinig sa isang tao
dahil magkikita nanaman kayo
yung mga oras na sya ay malayo
yung tipong sobra mo siyang namiss
sa mga halik ika'y naghihinagpis
yun yung mga nakakainis
pero nagawa niyo ang magtiis
kaya sa bawat mga kataga
na siya'y uuwi na
talaga namang nakakatuwa
hindi mo mapipigilan ang nadarama
pero ang pinakamahirap
ito yung dun ka na lang sa pangarap
alam naman natin masarap
kapag sa paguwi ay may yayakap
pero magisa mo ito haharapin
magisa ka lang na pagiisipin
ano nga ba ang iyong gagawin
walang ibang sasalubungin
kundi ang apat na dingding
walang magagawa kundi ang magsaing
walang msdidinig kundi ang hinaing
sa paguwi ko may sumalubong pa
yung pakiramdam na yayakap ka
sa isang taong sayo ay mahalaga
pero wala na tayong magagawa
kung ganon ang ating kapalaran
wala kang taong hahawakan
walang taong mapagsasabihan
sa iyong araw na nagdaan
kaya itutulog ko na lang ito
pagdating na pagdating mo
yung tipong kama ang yayakap sayo
at hindi yung taong mahal mo

idaan na lang natin to sa isang tula
para naman hindi tayo mabigla
at tayo ay manghina
pagpapalakas ng loob para sa ginagawa.

sa iyong pagdating.
-Libro ni Manong.

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon