KAPE

243 0 0
                                    

"KAPE."
- Dan
Sana ako yung hinahanap mo sa tuwing gigising ka ng umaga. Yung kukumpleto sa araw mo kapag ako'y nasa harapan mo na. Kaso hindi ako "SIYA". Wala saakin yung hinahanap mong timpla. Yung init, yung tamis, yung pait, yung ginhawa. Lahat ng yan sakanya mo nakita. Kahit minsan nakakaasar kapag pinapaiyak ka niya, andito lang ako para pakalmahin ka. Para iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa. Masakit mang isipin andito ako naka abang kapag nag-iba na yung timpla nya. Kapag lumamig na, kapag tumabang na, kapag wala kanang gana sakanya. Andito lang ako para ipagtimpla ka ng bago. Yung mas mainit tulad ng pagmamahal ko sayo. Yung mas matapang, kase handa kitang ipaglaban. Yung mas matamis, handang lambingin ka sa tuwing ikaw ay naiinis. Basta andito lang ako hanggang dumating yung araw na ako na yung magiging tagatimpla ng kapeng hinahanap mo sa tuwing sasapit ang umaga.

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon