PANANGHALIAN

194 1 0
                                    

dito tayo noon nagkakilala
unang beses na tayoy nagkita
kumain tayo ng nagkakahiyaan pa
masasayang kwentuhan
mga masasayang nakaraan
tungkol sa ating nakaraan na nagdaan
mga panahon na tayo'y nasa kabataan
natapos ang pananghalian na may ngiti
kita sa mata kita din sa labi
namumula ang pisngi
pamamaalam na sana magkita muli
habang papauwi kinikilig tayo
sana mulit pa ito
yan ang tanging panalangin ko
sana magkita pa tayo
hanggang sa ako ah nanligaw
ilang bwan ang natanaw
bago pa man makasama ko ikaw
ang saya ay umaapaw
pananghalian yan ang lagi natin ginagawa
sa lugar na kung saan nagmula
hanggang sa nagtagal taon na
hindi nawawala ang saya
ngunit
hindi inaasahan unti unting napupunit
ang pag mamahal pumapait
madalas ang palitan ng galit
mga salitang napakasakit
hanggang sa ang lahat ay lumabo
yung tayo ay naglalaho
madalas na tayo ay nagtatago
naglilihim sa bawat pagbabago
pagmamahal na unti unting nawawala
mga araw na dumadaan hindi nakakabigla
na may mangyaring kung anong masama
palagi na lang tayong tulala
ang bawat isa ay hindi makapagsalita
nakakawalang gana
ang kumain sa pananghalian
ng magkasama sa hapag kainan
hindi tayo nagpapansinan
kanya kanyang kainan
mga plato na kumakalampag ng tahimik
dahil ang bawat isa ay walang imik
walang salita ni isang titik
wala na din ang mga hagikhik
isang araw na ikaw ay lumisan
ang pagibig natin ay iniwan
pangarap ay nakalimutan
wala na hindi na malaman
hanggang sa dumating
ang araw na ating hinihiling
ang magkita muli doon sa ating
dating tagpuan kung saan nahumaling
ang bawat isa sa atin
pero eto na ang huli din
huling tanghalian na kakain
tayo ng magkasama sa paghahain
ng pagkain sa hapagkainan
ang mga mata ay luhaan
mga salita na hindi malaman
mga pangungusap na malalim ang pinagmulan
mga puso nating sugatan
mga mata nating nagiiyakan
at tayo ay nagsasambitan
ng mga masasakit na karaan
ngunit bigla tayong tumigil
ikaw ay paalis bigla kong pinigil
pinigil ng walang panggigigil
mga matang hindi tumitigil
mga luhang hindi mapigil
nagmamakaawa ma magkaayos
ang puso ay naghihikahos
salitang hindi maayos
bigla kang umupo ng hindi nakaayos
hindi nagsalita hanggang sa ako ay matapos

bigla ka na lang nagsalita
"dito na tayo natatapos"

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon