MANHID

241 0 0
                                    

naging manhid na ata ang puso
damdamin na hindi mapagtanto
bakit kaya nagkakaganito
hindi nga talagang malabo
dahil lahat ay panaginip at hindi totoo
na tayo ang magkakatuluyan
at sa mga pangarap ay sasamahan
kahit na hindi magkaintindihan
dahil sa pinagaawayan
dahil sa nakikipagsabayan
kaya nakikipagtaasan
hindi na ako muling aasa
na muling makakikilala pa
ng katulad mong kakaiba
bukod sa maganda na
mabait pa o diba?
kinaiinisan ko din naman ang sarili
dahil minsan hindi mapakali
palagi na lamang nagaatubili
na sana hindi na katulad ng dati.
wala na akong nararamdaman
sa mga panahon na ika'y kailangan
hindi na maramdaman ang pagmamahalan
nawawala na din ang kahalagahan
at nakakayanan na iwasan
dahil masyado tayong inip
inuunahan ang panaginip
pinagpipilitan kahit na masikip
pero sa ngayon dahil hindi na madama
kaya wala nang maisip pa
hindi na alam ang aking tula
hindi na alam ang bawat salita
dahil wala ka na
dahil natapos na
dahil tapos na
hanggang dito na lang sana
at dito nagtatapos ang aking maikling walang kabuluhang tula.

hindi ko na alam kung kailan muling gagawa
"ito na ang huli"

-Libro ni Manong.

UNSPOKEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon