Nakarating na sa bagong dorm ni Daniel ang mag bestfriend. Nagpaalam na si YongSang dahil kailangan na nyang umuwi dahil maggagabi na. Pag-alis ni YongSang, pumunta na si Daniel sa kanyang kwarto at nakita nya si DooJoon. Nagulat silang dalawa ng makita ang isat-isa. Nagkatitigan silang dalawa. Pagkatapos ng ilang segundo, umiwas na ng tingin si DooJoon. Pumasok na sa kwarto si Daniel at siyay takot na takot dahil baka kung anong gawin ni DooJoon sa kanya. Naupo si Daniel sa kalapit na kama ni DooJoon, hindi nya alam na kay YoSeob ang kamang iyon.
"Kay YoSeob ang kama na yan, dun ka sa taas." sabi ni DooJoon. Natulala naman si Daniel sa sinabi ni DooJoon. Akala nya si DooJoon lang ang makakasama nya sa kwartong iyon ngunit sya'y nagkamali. Takot na takot sya dahil baka kung anong gawin sa kanya ni YoSeob pag nalamang kasama nila sya sa kwartong iyon. Dahan dahan syang lumingon kay DooJoon at nag tanong.
"Y-yoseob?" takot na tanong nya dito. Tiningnan sya ng masama ni DooJoon na lalong ikinatakot nya.
"You babo! Neh! YoSeob! Yang YoSeob" sigaw nito. Nagdabog sya palabas at isinara ng malakas ang pinto. Nagbuntong hininga na lamang si Daniel at nag punta na sa kanyang kama.
Sa dorm naman nila GiKwang, nagulat si JunHyung dahil dumating si DooJoon. Sa sobrang takot naman ni GiKwang, nagtext sya kay HyoRim.
"Bestfriend punta ka dito sa dorm namin please. May kokopyahin lang akong notes, kamsahamnida" text ni GiKwang kay HyoRim.
"Notes san?"
"Sa math"
"Ah, gep punta na ako"
"Gomawo" huling text ni GiKwang kay HyoRim.
Bago dumating si HyoRim ay narinig ni GiKwang ang usapan nila JunHyung at DooJoon.
"Bakit ka nandito? San si YoSeob?" tanong ni JunHyung.
"Hindi ko alam, wala pa sya sa dorm eh. hinahanap ko sya kanina. Hindi ko sya makita kaya nagpunta ako dito. May sasabihin kasi ako sayo." sgot naman ni DooJoon at tumingin naman ng diretso si JunHyung sa kanya.
"S-si Daniel" sabi ni DooJoon.
"Oh? ano namang meon sa taong yun" tanong ni JunHyung.
"Bago naming kadorm ni YoSeob." sagot ni DooJoon.
Nanlaki ang mga mata ni JunHyung at si GiKwang ay napanganga. Bago pa makapagsalita si JunHyung ay biglang may kumatok sa pintuan ng kanilang kwarto. Tatayo na sana si GiKwang parabuksan ang pinto dahil alam nya na si HyoRim ito nang biglang umakbo si JunHyung papalapit sa pinto para buksan ito. Pagbukas nya ng pinto:
"Yang Yo-!" napatigil sya dahil si HyoRim ito at hindi si YoSeob. Namula bigla si JunHyung dahil sa sobrang hiya.
"A-anyeong! Nandyan ba si GiKwang?" tanong ni HyoRim at biglang napatingin si JunHyung kay GiKwang.
"Neh, pasok ka" sagot naman ni JunHyung. at pumasok na si HyoRim. Pagpasok nya ay nakita nya si DooJoon.
"Annyeong oppa" bati sa kanya ni HyoRim. Tango lamang ang isinagot ni DooJoon sa kanya at nakita na ni HyoRim si GiKwang at nilapitan nya ito.
"JunHyung, alis muna ako. Hahanapin ko si YoSeob. Sama ka?" pagyaya ni DooJoon. Umiling lamang ito at umalis na si DooJoon.
"HyoRim, halika" tinawag ni JunHyung si HyoRim at lumapit ito sa kanya.
"Wae?" tanong nito.
"Wala lang. Gusto lang kita makausap." sagot ni JunHyung at tumango lamang si HyoRim.
"Uh,. Sorry nga pala kay YoSeob ah. Nagselos ata yun, may gusto kasi yata sya kay Yongsang eh, pakisabi kay Daniel at YongSang sorry."
