chapter 12

61 2 0
                                    

YoSeob's POV

"Aish! bakit mo ako pinigilan hyung? Hindi pwede! pupuntahan ko sila!" sa isip ko at tumayo ako para lumapit at magmakaawa kay DooJoon at JunHyung-hyung.

"Pupuntahan ko si YongSang! DooJoon hyung! JunHyung hyung! Sige na please. Jebal jebal" pagmamakaawa ko at nag puppy dog eyes ako para payagan nila.

"Aish! Nagpacute na naman! Kung hindi lang effective samin yang kacute-an mo eh, hindi ka talaga namin papayagan. Sige sundan mo na sila. Mag-iingat ka Seobie ha, kagagaling mo lang sa sakit" Sabi ni JunHyung at ginulo ang buhok ko. Napatalon ako sa sobrang tuwa at nag bow ng ilang beses.

"Kamsahamnida!"

"Sige na! baka di mo pa sila maabutan eh umiyak ka pa jan" Natatawang sabi ni DooJoon at nagtawanan silang dalawa. Sumimangot lang ako at tumakbo na palabas ng dorm. Paglabas ko ng dorm, tumingin ako sa kanan, wala sila, tumingin ako sa kaliwa, wala din sila. Tumakbo ako sa may bandang kanan dahil may narinig akong nagsisigawan at babaeng umiiyak.

"Kaya pala ayaw mo ako isama sa lakad mo! Kaya pala nagmamadali ka!" Pasigaw na sabi ng isang lalaki na natitiyak kong si Daniel. Gusto ko silang puntahan at ilayo si YongSang sa kanya pero naisip ko na pakinggan muna ang pinaguusapan nila kaya nanatili lang akong nakatayo at nakasandal sa pader. Narinig ko ulit na sumigaw si Daniel.

"May gusto ka ba sa kanya? Huh? Kayo na ba ni YoSeob?" Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako nag marinig ko iyon.

"Bakit nagagalit ka? Hindi ba pede bestfriend?! Ayaw mo ba?!" Narinig ko ang sagot ni YongSang. Napangiti naman ako dahil iniisip ko na may gusto sya sakin.

"Ayaw?Ayaw?! Sino ba ang may gusto makita ang taong mahal nya na may ibang gusto?!" Malakas papahina na sabi ni Daniel, muntik ko na ngang hindi n=marinig ang mga huling sinabi nya eh. Nagulat din ako sa mga sinabi nya.

"Mahal nya si YongSang? Mahal nya si YongSang higit pa sa pagiging mag bestfriend nila? Aw! Magiging kaagaw ko pa ito" Naisip ko at napayuko ako dahil sa mga naiisip kong iyon.

"Mahal?" tanong ni YongSang. Sumili ako sandali at nakita ko na umiiyak si YongSang at nakaupo sya sa sahig. Tutulunga ko sana sya nang maunahan ako ni Daniel. Itinayo sya ni YongSang at nagsalita ito.

"Nagpunta ako dito dahil sa sinabi ni DooJoon oppa na may lagnat si YoSeob, alam ko na ako ang may kasalanan. Dahil sa mga sinabi ko kaya sya nagkaganun. Hindi kami at wala akong gusto sa kanya" Napaupo ako nang marinig ko iyon mula sa kanya. Nakita ko nang tumakbo si YongSang. Gusto ko sanang syang sundan kaso naisip ko, kailangan nya ng privacy. Tsaka ko nalang sya kakausapin pag kaya ko na. Sinilip ko si Daniel at nakita ko syang nakasandal sa pader. Sinuntok nya nang malakas yung pader at nakita ko na dumugo yung kamay nya. Napaupo sya at umiyak. Ginusto ko din sana syang puntahan pero pinabayaan ko nalang sya dun magisa para makapag isip at naglakad na ako pabalik ng dorm.

End of POV

Pag pasok ni YoSeob sa kwarto ng dorm nila, nagulat si DooJoon at JunHyung dahil ang lungkot ng itsura nito.

"Oh? Seobie-ah! bakit ka malungkot? Hindi mo ba sila nakita?" Tanong sa kanya ni DooJoon at inakbayan ito.

"Nakita ko sila" SAgot ni YoSeob. Kinagat nya ang labi nya para pigilan ang pagtulo ng kanyang luha. "Kaso di ko sila pinakaelaman, mas pinili kong pakinggan ang pinag uusapan nila. A-at sobra akong nasaktan sa mga narinig ko." Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni YoSeob at inilagay nya ang kanyang ulo sa balikat ni DooJoon . Niyakap sya ni DooJoon at hinimas naman ni JunHyung ang likod nito.

"Okay lang yan Seobie, tumahan ka na. Dapat di naiyak ang mga siga" Pang aasar sa kanya ni JunHyung." Nandito lang kami para sayo. Aayusin natin yan bukas. Tumahan ka na, baka di ka pa gumaling nyan. Tahan na baby maknae, matulog ka na" Sabi sa kanya ni JunHyung. Napansin nila na ulog na si YoSeob, piniggy back ride sya ni DooJoon atinihiga sa kanyang kama. Hinipo ni DooJoon ang noo nito. My sinat pa ito. Nilagyan nya ulit ito ng basang towel sa noo para mawala na ng tuluyan ang lagnat nito.

"Dapat hindi na natin sya pinayagan kanina eh" Sabi ni JunHyung. Nakatitig lamang kay YoSeob at halatang halata na nag aalala ito.

"Aish! napaka cute naman kasi nitong batang to eh!. Naaawa na talaga ako sa kanya! Shheebahl! Babo yung si Daniel! Lagot yun sakin mamaya pag balik nya dito" Galit na galit na sabi ni DooJoon. Tinapik naman ni JunHyung ang balikat nito.

"Wah na, lalo lang lalala ang sitwasyon DooJoon. Kausapin nalang natin si Daniel ng maayos at itanong natin sa kanya kung ano ba talaga si YongSang sa kanya. Pumayag naman si DooJoon sa mga sinabi ni JunHyung.

all about himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon