Habang nag aayos ng gamit si YongSang, lumapit sa kanya ang mga katropa nya.
"Sangie, san ka pupunta?" tanong sa kanya ni DongWoon.
"Basta lang, may gagawin lang akong importante" sagot nito at ngumiti sya sa mga kaibigan at niyakap si Daniel sabay takbo palabas ng room para di na makapagtanong ang mga kaibigan nya. Nagtaka ang mga katropa nya at nagkatinginan na lamang sa inasal nito.
Habang tumatakbo si YongSang palabas ng school, nabangga nya si DooJoon.
"Aw! DooJoon-oppa, mianhae, jeongmal mianhae!" pag hingi nga tawad nito at nag bow ito ng ilang beses.
"Ok lang" sabi ni DooJoon. "Bakit ka ba natakbo? San ka pupunta? masyado kang nagmamadali" tanong din nito.
"Ah-eh, basta! Sige jan na kayo, kelangan ko nang umalis" sabi nito sabay takbo. Nagkatiningan naman sila DooJoon at JunhHyung.
Nakalabas na ng school si YongSang at siya'y tumigil sglit upang magpahinga at pagkatapos ng isang minuto ay naglakad na sya.
YongSang's POV
Habang naglalakad papuntang dorm nila YoSeob ay napag isipan ko ang tungkol sa sinabi sakin ni DooJoon-oppa.
"May gusto sya sakin? Panu nangyari yun? Bago palang naman kami nagkakilala, nagkagusto na sya agad? Aish! Aniyo! Binibiro lang ako DooJoon-oppa. Pero ganun ang epekto sa kanya nung mga sinabi ko. Pinabayaan nya sarili nya. Nagkasakit yuloy sya. Mianhae YoSeob. I'll Take care of you nalang. Jeongmal mianhae" Naramdaman ko na tumutulo na ang luha ko at tumigil ako upang punasan ang mga ito at nagulat ako dahil nasa harap na pala ako ng dorm nila Daniel. Nagbunong hininga na lamang ako at nag doorbell.
Binukasan ito ng may-ari ng dorm at nagtanong.
"Anong kailangan mo?"
"Bibisitahin ko lang po si YoSeob, Friend nya po ako" sagot ko at pinapasok na ako. Itinuro nya sakin ang kwarto nila at nag pasalamat na ako. Kumatok muna ako bago pumasok. Mapatitig ako kay YoSeob ng saglot at umupo sa may gilid ng kama nya. Walang nagbabantay dito, sabi ng may-ari ng dorm, lumabas lang daw ito saglit para bumili ng makakain ni YoSeob. Napatitig ako kay YoSeob. "Nakakaawa naman sya" naisip ko. Pero napangiti ako at naramdaman ko na namula ako dahil sa ka cute-an nya.
"Sorry YoSeob. sorry sorry" bulong ko. "Hindi ko naman sinasadya, hindi ko sinasadyang sabihin sayo ang mga salitang yon" Nangingilid na ang mga luha sa mata ko. Nagulat ako nang biglang mag salita si YoSeob kahit tulog.
"YongSang, saranghae, Park YongSang, mianhae" ungol nito. Di ko na napigilan umiyak sa mga narinig ko. Hinawakan ko ang kamay at hinipo ko ang noo nya. Nagising si YoSeob at nagulat silang dalawa. Kumurap kurap ng ilang beses ang mga mata ni YoSeob at bigla na lamang tumulo ang luha ni YongSang. Nanlaki ang mga mata ni YoSeob sa nakita kaya hinawakan niya ang mukha ni YongSang.
"Bakit ka umiiyak? gawa ko nanaman ba? sorry" sabi ni YoSeob at dali daling pinunasan ang luhanito. Namula si YongSang, ngumiti lang sya at tinanggal ang kamay ni YoSeob.
"Gomawo" sagot ni YongSang at napayuko sya. Bigla namang umubo ng ilang beses si YoSeob kaya nagpanic si YongSang. Nakakita sya ng isang basong tubig at iniabot kay YoSeob. Halatang halata sa mukha ni YongSang na alalang alala sya kay YoSeob. Nahalata ito ni YoSeob kaya napangiti sya.
"Wag ka mag-alala, gagaling din ako, ako pa" pag sisiguro ng YoSeob.
"Sorry ha, kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit, sobrang alalang alala ako nung sinabi samin ni DooJoon-oppa na may sakit ka. Sorry talaga" Sabi nito. Umiiyak nanaman si YongSang, niayakap sya ni YoSeob. Tutulo na din ang luha ni YoSeob nang may kumatok sa pinto, tumayo si YoSeob at binuksan ito.
"Young master, ito na po ang mga pagkain at gamot nyo."
"Kamsa, pede ka nang umuwi" pag papasalamat ni YoSeob at nginitian lang ang butler.
"Pero pano po kayo master? baka po magalit sakin si DooJoon dahil ako po yung inatasan nya na magbantay sa inyo" pagtanggi ng butler.
"Wag ka mag-alala, sa tingin ko okay na ako, tsaka padating na rin naman sila DooJoon maya maya eh."sagot ni YoSeob. "Umuwi ka na at magpahinga" udyok pa nya. Walang nagawa ang butler nya, nag paalam na ito. Isinara na nya ang pinto at tumabi kay YongSang.