Pagdating sa room, madami na silang nakitang mga kaklase at nagsiupo na sila. Magkatabi si YongSang at Daniel, Si HyoRim at GiKwang, si DongWoon at HyunSeung. Nagulat silang lahat nang biglang pumasok yung tatlong siga. Nagtilian ang mga babae nilang kaklase.
"Omo! kaklase natin sila" bulong ni GiKwang kay HyoRim.
Naghanap naman ng mauupuan ang tatlo. Ang bakanteng upuan na lamang ay yung dalawang upuan sa gita at sa kalapit ni YongSang at HyunSeung.
"YoSeob, dun ka nalang sa dulo dun. Kami nalang ni JunHyung sa gitna". Di nag react si JunHyung dahil parang may hinahanap sya.
"Neh" masayang sabi ni YoSeob dahil katabi nya si YongSang.
"Oh? anong nginingiti mo jan?!" tanong ni DooJoon.
"Uhm, wala, tara na!" nakangiting sabi ni YoSeob at nag sipupo na silang tatlo.
"Annyeong! ano nga pla name mo?" nakangiting tanong ni YoSeob kay YongSang. Napayuko na lamang si YongSang dahil natatakot ito. Nahalata naman ito ni YoSeob. Tinapik nya ito sa balikat pero di parin sya pinansin nito.
"Hey! uhm listen, wag ka na matakot sakin. Actually, hindi talaga ako siga. Wala naman sa muka ko yun diba?" pag mamayabang ni YoSeob. Tiningnan sya ng masama ni YongSang. Dahil ayaw nya sa mayabang, inirapan nya si YoSeob.
"Daniel, palit nga tayo ng upuan" galit na sabi ni YongSang
"Oh bakit? bakit ganyan itsura mo?" Tanong naman sa kanya ni Daniel.
"Bwisit, ayoko ng mayabang! Palit na tayo please" pag mamakaawa nito. Tumingin si Daniel kay YoSeob. Nakita nyang masama ang tingin nito sa kanya kaya napalunok sya.
"B-bestfriend, mianhae p-pero ayaw ko, natatakot ako eh.Sagot nya kay YongSang. Binatukan sya nito.
"Aish! bestfriend please!!" Nagmamakaawa na si YongSang. Gusto din naman makipag palit ni Daniel kay YongSang dahil gusto nya ialayo ang pinakamamahal na bestfriend dahil alam nyang may gusto si YoSeob dito.
Hindi, Hindi pwedeng maagaw sakin ni YoSeon si YongSang. Makikipag palit na nga ako. Bahala na kung ano mangyari basta mailayo ko sya kay YoSeob"
Isip isip ni Daniel. Natauhan sya nang batukan sya ni YongSang.
"Ano na nangyari sayo?" tanong ni YongSang.
"Ah wala. Palit na tayo" nakangiting sabi ni Daniel.
"Jincha?!"manghang tanong ni YongSang.
"Neh, Ayaw mo?"
"Aniyo" tumayo si YongSang at niyakap si Daniel.
Napakunot na lamang ng noo si YoSeob sa nangyari.
"Anong nangyari?" tanong ni HyunSeung
" Ah wala" sagot ni Daniel at nagtawa lng ang dalawa. Umupo na si Daniel katabi ni YoSeob. Sinamaan sya ng tingin ni YoSeob. Inilayo ng konti ni YoSeob ang bangko nya dahil ayaw nyang kalapit si Daniel.
"Aish! i hate it!" napasimangot si Daniel
"Bakit kayo nagpalit?" tanong ni HyoRim kay YongSang.
"Ayoko kasi katabi yung mayabang na yun eh" sagot nito sabay turo kay YoSeob.
"Ah" tumango na lamang si HyoRim.
