Napansin nyang tulog na si Daniel at kinuha nya ang kanyang cellphone para tawagan si JunHyung.
"Yeobosaeyo" sagot ni JunHyung sa kabilang linya.
"JunHyung, di ko makita si Seobie, anu na kaya ang nangyari dun?"
"wag ka mag alala. kaya na nya ang sarili nya. Babalik din yan maya maya. Matutulog nako. Antok na ako eh. Annyeonghi jumushipsiyo hyung." sagot ni JunHyung.
"Sige. Antaying ko nalang ang maknae natin." sabi ni DooJoon at in-end na ni Doojoon ang call. Napabuntong hininga sya nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto at nakita nya si YoSeob. Gulat na gulat sya sa hitsura nito. Magang maga ang mga mata, nanginginig sa sobrang lamig at namumutla. Ngayon lang nya nakitang nagka ganito ang kaibigan. Napansin ni DooJoon na matutumba na sa kinatatayuan nya si YoSeob, kaya dali dali nya itong pinuntahan at sinalo.
"H-yung, ang lamig." nanginginig na sabi ni YoSeob.
"You babo! Aish! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha?!" galit na tanong ni DooJoon kay YoSeob. Binuhat nya ito at iniupo sa kama. Binalutan nya ng kumot si YoSeob at hinipo ang noo nito. Napansin ni DooJoon na inaapoy ng lagnat ang sakiting si YoSeob. Nagpanic ito at napansin din nyang umiiyak nanaman si YoSeob.
"Shhh, tahan na Seobie. ok lang yan. Magpagaling ka kaagad. Aayusin nating yang problema mo, arasso?" hini na sya sinagot ni YoSoeb at napailing nlng si DooJoon. Kumuha sya ng malamig na tubig at face towel at ipinunas kay YoSeob tsaka inilagay sa noo nito. Pinainom nya din ng gamot ang maknae at natulog na silang dalawa.
Kinabukasan, unang nagising si Daniel, tinititigan nya si YoSeob. Nagulat si Daniel dahil nagising at nagsalita si DooJoon.
"Bakit mo sya tinititigan?" irititang tanong ni DooJoon at ito'y naghikab.
"Ah-eh wala. Anong nangyari sa kanya?" pagpapatuloy ni Daniel.
"May sakit sya at hindi sya makakapasok ngayon. Sabay tayong papasok ngayon, kailangan ka naming kausapin ni JunHyung. Wag ka mag alala, hindi ka namin bubugbugin."sabi ni DooJoon
"Uhm, di nalang muna ako papasok ngayon. Ako nalang ang mag babantay sa kanya. Ako naman an may gawa ng lahat ng to eh"sabi nya at napayuko ss Daniel.
"Hindi, may magbabantay sa kanya. Mag ayos ka na, papasok na tayo." sabi ni DooJoon at lumabas na si DooJoon sa kwarto. Nag-ayos na ang dalawa at sabay nang pumasok. Nakita nila sa gate ng kanilang school si JunHyung.
"Tagal nyo tara doon sa park. Dun nalang tayo mag usap-usap. Wag na muna tayo pumasok sa first subject nain. Kailangan kasi talaga namin kayo makausap. Pakitext naman si YongSang, pakisabi kakausapin namain, dun nalang sya pumunta sa park. Tara na" sabi ni JunHyung at nagpunta na sila sa park. Habang nag lalakad ay tinext na ni Daniel si YongSAng.
"Bestfriend, sa park ka na dumeretso. Nandito kami nila DooJoon at JunHyung- hyung. Kailangan daw nila tayo makausap. Pumunta ka ha, inaantay ka namin dito" text ni Daniel kay YongSang. Nang mabasa ito ni YongSang, nagtaka ito at nagkibit balik na lamang. Hinila nya palabas ng kanilang dorm si HyoRim.
"Oh? bakit nag mamadali ka?" tanong sa kanya ni HyoRim.
"Pupunta tayo sa park, may nag-aantay satin dun kaya kailangan natin magmadali" sagot nito.
"Park? May pasok tayo ah" nagtatakang tanong ni HyoRim.
"Oo nga. Eh importante ata eh" sabi ni YongSang.
"Sino buh nag aantay satin?" Tanong nito."
"Basta, wag ka na madaming tanong. Bilisan nalang natin" sagot ni YongSan at nag tatakbo sila papunta ng park. Pagdating nila sa park, hingal na hingal ang mga ito at nagulat naman sina HyoRim at JunHyung nang makita ang isa't isa.