Pagkatapos magamot ang sugat ni HyoRim, bumalik na sila para sa last period nila.
"Oppa, gomawo, bakit mo buh ginawa yun?" tanong ni HyoRim kay JunHyung
"Ah-eh w-wala, nag alala lng ako sayo, babo ka kasi eh. Tatakbo nalang nadapa pa." sagot naman ni JunHyung sabay tawa nung dalawa.
"Bakit ka naman nag alala? Okay lang naman ako eh, pwede ko namang gamutin yun mamaya pag -uwi eh. Mabait ka naman pala talaga eh, bakit ka naging ganyan?" sunod sunod na tanong nito.
"Uhm, basta next time ko nalang ikukuwento sayo" sagot nito sabay kindat ni JunHyung at ginulo ang buhok ni HyoRim. Malapit na sila sa kanilang room. Nakita ni GiKwang si HyoRim at tumakbo sya papunta sa kanyang bestfriend.
"Bestfriend anong nangyari sayo? Okay ka lang ba? May sakit ka ba? Anong ginawa nya sayo?" panay ang tanong ni GiKwang.
"Wala syang ginawa sakin, okay lng ako. Dinala nya ako sa clinic para ipagot ang sugat ko" sagot nya
"Ahh" lumingon si GiKwang kay JunHyung. Umalis na ito at nagpunta na kila DooJoon at YoSeob.
"Oh JunHyung, San ka nagpunta?" Tanong sa kanya ni DooJoon habang pasulyap sulyap naman si YoSeob sa labas ng kanilang Room kung saan nandon si YongSang.
"Uhm, dinala ko sa Clinic si HyoRim, ang laki kasi ng sugat nya sa tuhod dahil sa pagkakadapa nya kanina" sagot nito.
"Oh? Bakit concerned ka? Hindi naman ikaw ang may kasalanan kung bakit sya nadapa ah. Ngayon ka lang naging concerned sa isang babae." sabi ni DooJoon. Bago pa makasagot si JunHyung sa tanong ni DooJoon, napansin nang dalawa na wala sa sarili si YoSeob, nakatingin sa labas at nag ngingitngit sa galit. Tiningnan ng dalawa kung san nakatingin si YoSeob at nakita nila si YongSang, kasama ang bestfriend na si Daniel. Nagtataka sila kung bakit ganun ang tingin ni YoSeob sa mag bestfriend.
"Yah!" binatukan sya ni JunHyung. Napahawak naman sa ulo nya si YoSeob.
"Aish Hyung!! bakit mo ako binatukan?" asar na tanong ni YoSeob. Nagtawa lng si DooJoon at JunHyung.
"Bakit ba parang galit na galit ka dun sa magbestfriend na nag susubuan ng ice cream?" Tanong ni JunHyung.
"Oo nga!, may gusto ka ba kay YongSang?" pang-aasar ni DooJoon.
"Aish! mind your own business!" sigaw nito at nagdabog palabas si YoSeob at pinuntahan ang dalawang mag bestfriend. Nagtawa lng ulit ang dalawa sa inasal ng kanilang maknae. Nagulat ang dalawa nang biglang suntukin ni YoSeob si Daniel. Pati na rin sila HyunSeung ay nagulat at ang iba pang estudyanteng nakakita sa pangyayaring iyon. Napaupo naman si Daniel dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni YoSeob.
"Bakit ka nakipagpalit ng bangko kay YongSang? Di ba kami ang magkatabi? Babo ka!" sigaw ni YoSeob. Susuntukin na nya sana ulit si Daniel nang biglang tumayo si YongSang at tumingin ng masama sa kanya na ikinatakot naman ni YoSeob.
"Ano bang Problema mo?!" Bakit mo ginawa sa kanya yon? anong karapatan mo gawin sa kanya yun?! Ayaw kitang katabi! ayoko sayo! ayoko sa mayabang na katulad mo! sa susunod na gawin mo ulit sa kanya yun ako na makakalaban mo!!" galit na galit na sabi ni YongSang kay YoSeob. Sa sobrang galit ni YonSang ay tumulo na ang mga luha nito pagkatapos nyang sigawan si YoSeob. Pinunasan na nya ang mga luha nya at dinala ang bestfriend sa clinic. Nanatili lang nakatayo doon si YoSeob at pinuntahan sya ni DooJoon at JunHyung. Napaiyak si YoSeon, nakita iyon ng dalawa at hinimas nila ang likod ni YoSeob. Napayuko si YoSeob at sunod sunod na pumatak ang mga luha nya.
"Jeongmal mianhae YongSang" bulong nya. Naiinis sya sa kanyang sarili dahil sa kanyang ginawa. sa sobrang inis nya, sinuntok nya ang pader at nagulat lahat sa kanyang ginawa lalo na ang kanyang dalawang matalik na kaibigan. Tumakbo palayo si YoSeob. Nakita ni JunHyung at DooJoon ang dugo sa pader, nag-aalala sila kay YoSeob. Susundan na sana ni DooJoon nang pigilan sya ni JunHyung.
"Mamaya nalang. Siguro gusto nya muna mapagisa" tumango lng si DooJoon sa sinabi ni JunHyung