Dedicated to @minangskiee thank you for reading beh. Hope you like it :****
Rita's P.O.V
"Haaay salamat! Natapos din tayo." Ana.
Nagsi-labasan na kaming tatlo sa assigned room kung saan nag-exam kami kanina. Ito na ang last day of exam. School break na kasi namin bukas. Makakapag-pahinga na ako.
I'm Rita Bob Sluwerigh, my last name pronounce as Slu-we-rey. Half Filipino-Pure starfish. Jowk! Haha. Wala akong half ah? Pure pinay ako. At kaya "Bob" ay dahil paborito raw ni Mama ko si Spongebob.
Sa aming tatlo, ako yung matampuhin at mapride. I'm a perfectionist, grouchy girl.
Kapag ayaw ko sa isang tao o di kaya nayayabangan ako, binabara ko.
Naglakad lakad na kami nang may itinanong si Isa. "So, anong gagawin natin this school break?"
Siya naman si Elisa "Isa" Buena. Pinaka-bata sa aming magkakaibigan. Si Isa ay isang.. Ehem! Panget, hush lang kayo ah? Haha! Hindi naman talaga siya panget e. Nakakapanget lang talaga sa kaniya yung buhok niyang kulot atsaka may brace pa ang mga ngipin.
Sa aming tatlo, si Isa lang ang hindi ko pa gaanong kilala ang personalidad. Madalas kasi siyang nagsasarili. Napaka misteryoso niya. Nagte-teleport na lang bigla. Sweet si Isa, pero hindi ko masasabing mabait siya.
"Ano na te? Any suggestion?" Tanong ulit ni Isa.
Kaya nag-isip ako nang isasagot.
Nakakapagod mag-isip. 'Di gumana smartness ko. Wahaha
"Wala akong maisip e, hehe." Sagot ko na lang kay Isa.
"Ikaw Ate Ana, May nai– Ate Ana? Ate?"
"Asan si Ate Ana?" Tanong niya sakin. Ang panget talaga ni Isa. Hahaha.
Sasagot na sana ako nang biglang sumulpot si Ana. San kaya galing 'to?
"Hehe, Hi, Ana here."
Siya naman si Ana Marie Dela Cueva.
Si Ana ang talagang matured saamin. Siya ang nagpapatawa sa amin kapag tinamaan ng ka-abnormalan. Pero nunca, Philosophy Queen 'yan at 'yan ang ayaw ko sa kaniya. Mabait at mataray si Ana. Madalas sumeseryoso.
Nakatira siya sa Grandparents niya ngayon. Ipinag-palit kasi siya ng mama niya sa asawa ng best friend ng mama niya. Gets? Kung hindi, bobo ka. Wahaha.
"So, saan tayo magbabakasyon?" Tanong ni Ana.
"San ka galing? Akala ko nauna ka nang magbakasyon sa'min e." Tanong ko. Bigla ba naman siyang namutla. May atraso 'to panigurado.
"Sa locker, may kinuha lang ako. Hihi. Kayo naman." Kumunot ang noo namin ni Isa pareho. Nagkatinginan kami ni Isa, Tumango kami ng sabay tapos sabay na rin naming binatukan si Ana.
"Masakit ah! Bakit ba kayo nambabatok?" Pagmamaktol niya.
"Para kang sira! E, wala namang locker 'tong school natin. Ano 'tong school natin? Mayaman?" Sabi ko.
Locker daw! Ang lawak ng imahinasyon neto.
"Ay, hehe. Wala ba? Sorry naman." Sus! Pero sana may locker nga kami. Hihi.
"Hi Uglies!" Natigil kami nang may sumigaw sa likod namin.
Ayaw naming lumingon, 'di kaya kami panget, hello? Ay! Maliban lang pala sa isa naming kasama ni Ana. huehue
"Isa, ikaw ata tinatawag. Lingunin mo na!" Bulong ko.
"Bakit ako? Isa pangalan ko, hindi Uglies, tanga!"
"Hoy pangets!" Sigaw ulit nung nasa likod.
"Oh Isa! Sabi na nga ba ikaw tinatawag e." Ana
"Sabay na lang tayo mga ates, support ba? Hihi."
"Sige sige." Pagsang-ayon namin ni Ana.
Nung lumingon kami tumawa sila. Si Icy lang pala. Kasama niya yung kaibigan niyang si Kim.
"Their uglies nga, hahaha! Both pa talaga kayong tatlo lumingon ah." Sabi ni Kimberly na tatawa-tawa. Wala namang nakakatawa e, pwera na lang sa mga mukha nila. Hahahahahaha! Nakakatawa talaga.
"Excuse me? Panget? Are you referring to yourselves?" Sabi ni Ana. Nice one Ana! Sabi ko sa inyo mataray 'yan e.
Tumaas yung kilay nilang dalawa.
Lumapit silang dalawa sa amin na naka cross arms.Si Icy at Kimberly, Kontrakbida yang mga 'yan. Mga bullies.
Kami laging inaaway ng mga 'yan. Binabara kasi namin sila. Kung sila kayang i-bully ang mga classmates namin. Kami naman hindi nila kami kayang bully-hin dahil lumalaban kami. Hindi rin kami papa-bully 'no. Happy sila, e. Duh?
Atsaka mga bully rin naman kami, e. In a friendly way. Hihi. Nang-aaway kami kapwa bullied. Pero Friends namin sila ha, Friendly kaya kami. Wahaha.
Public school lang naman 'tong school namin. Kaya kung maka-asta ang iba, kala mo nasa wattpad sila.
Ni wala nga kaming maitatawag na Heartthrob dito, e. Puro mga chokoy kasi ang ilan sa mga lalake rito. 'Di ako nanlalait ha? I'm just stating the fact.
May heartthrob na "Boys over Kengkoy" na feeling guwapo. Ay puta! Nakakasuka sila. Ang papanget na nga, ang susungit pa. Duhrr!
Pero siyempre may guwapo rin. BILANG nga lang at hindi sikat ang beauty nila. Simple lang na ma-aatract ka sa kanila. Masiyado na kasing cliché kung sasabihin kong sikat sila sa buong campus.
"Puwede ba, Ate Icy. Don't start."- Isa.
And yes, oo. Magkapatid sila ni Icy. Napaka opposites nga ng ugali nila, e. 'Di ko alam kung bakit ang init ng dugo ni Icy kay Isa.
OMG! Kangaroo fight na ba ituu??
So ayun, snob lang ang sinagot ni Icy kay Isa. "We just wanna invite you lang naman to our vacation party this November 2. And since mga stupid kayo at wala kayong ma-isip kung saan kayo magbabakasyon. Come with us na lang." Sabi niya with sweet smile. Ang plastic niya pramis. Pero ano raw? party?
"Sige sige! Sama kami. Ana sasama tayo ha?" Sabi ko tapos nagtatatalon.
"Oo na. 'Wag ka nang tumalon, baka lumindol." Sabi ni Ana. Huminahon na rin ako. Si Isa lang ang di umiimik. Nakatitig lang kasi siya sa ate niya.
"Okay, it settled then. See ya tomorrow, 8 am." Sabi ni Icy.
"Tomorrow? Akala ko ba November two?" Tanong ni Isa. Tumango-tango rin ako. Bakit nga ba bukas na agad? October thirty-one pa bukas ah. Yiii! Excited na tuloy akoooo.
"To have some fun. Tooodless!" Sabi ni Icy tapos nagpaalam na. Nag wink muna siya kay Isa bago umalis.
"I don't trust her." Isa
"Mee too." Ana
"Me threeeee!!" Ako.
"Tara na nga! Hahaha." Sabi ni Ana. Naglakad na kaming tatlo, magkakaakbay kami. Sabay-sabay yung mga paa namin sa paglalakad. Ganito kami e. Kaya kung madadapa man kami, atleast karamay namin ang isa't-isa. Hihi.
Excited na ako bukas. Sana ma-enjoy nga naming tatlo ang vacation. Weeeee!
---
BINABASA MO ANG
Ana, Rita, Isa (The Three idiot Bitchfriends)
AdventureThanks to Byancz for the beautiful book cover. Thank you be ^^ muaahugs :* -- Kwento ng tatlong mag-kaibigang pamilya ang turingan. Magkaiba man ang pinanggalingan, nananatiling matatag ang samahan. Pero paano kung ang isa sa kanila, lumihis nang la...