"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Ana.
"Oo naman 'no. Balik ka na dun sa loob."
"Sigurado ka? O, e halika na sa loob. Pumasok ka na rin. Kakarating lang ng ibang schoolmates natin e."
"Okay lang ako dito frend. Salamat nga pala."
"Alam kong ayaw mong nag-iisa ka frend! Baka maalala mo pa siya. Tara na sa loob." Hinila ako ni Ana pero nagpupumiglas ako.
"Susunod ako."
Bakit nga ba ayaw ko?
Ah, Kasi lagi kong makikita na magkasama na naman si Gino at Elisa. Ayaw kong lumaki ng todo ang galit ko kay Elisa, kaibigan ko parin yun, kaya iiwas na lang ako. Sanay akong ako ang umiiwas kahit nasasaktan na ako. (Ang drama ko!) Atsaka, nandoon din yung kodaker na feeling na mayabang na 'yon. Ayaw ko siyang makita, para na rin akong nakatingin sa 4D type na tae. Hihi.
"Sigurado ka ha? Pasensya na frend kung di kita masasamahan ah? Alam mo na? Chance ko na 'to lalo na't pinapansin na ako ni Kivin." Kinikilig siya habang sinasabi niya yan.
Di na nagtagal si Ana at bumalik na siya sa loob. Mamaya na ako papasok. Naglakad-lakad na lang ako, baka sakaling makakita ako ng pera. Sana isang libo makita ko. Hahaha.
Pero sa totoo lang, nakakapagod maglakad. Bumalik na lang ako kung saan ako naka-upo kanina. Umupo na ako at tinatanaw ulit ang dagat. Ang ganda ng panahon ngayon. Mahangin pa.
"Slow down baby! Baka madapa ka."
Napatingin ako sa isang lalaking nasa 30's ata ang edad, sinusundan niya yung cute na cute na bata. Guwapo siya at makisig. May babae ring nakasunod sa kaniya, simple lang siya, maganda, balingkinitan ang katawan. Nakangiti siya habang sinusundan ang mag-ama niya. Ang saya nila.
Bakit ba hindi ako natulad sa batang yan? May mga magulang na mahal na mahal siya. Magpa-ampon kaya ako sa kanila? Joke! Haha. Kawawa naman si Mama kung iiwan ko siya.
Naalala ko tuloy no'ng tinapat ako ni mama tungkol sa mga magulang ko. Three years ago ko lang nalaman 'yong totoo kung bakit nila ako iniwan. Nasaktan talaga ako no'n. Dalawang beses na akong nasaktan. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
Hindi ako umiiyak ah? *sniff* baka isipin niyo umiiyak ako *sniff* huhuhu...
"Bat wala ka dun sa loob?" Biglang lumitaw si kodaker.
"Natural nandito ako sa labas." Ayaw ko kasi siyang kausap e. Naiinis ako.
"Hehe. Oo nga pala."
Nag make-face lang ako sa kaniya tapos ibinalik ko na yung tingin ko dun sa mag-asawang hinahabol ang chikiting nila. Bahagya akong napangiti. Ang cute nila tignan.
"Alam mo, madali lang gumawa ng baby. Gusto mo umpisahan natin dito?" Napatingin ako sa kodaker na to bigla. Tumataas-baba pa yung kilay niya.
BINABASA MO ANG
Ana, Rita, Isa (The Three idiot Bitchfriends)
AventurăThanks to Byancz for the beautiful book cover. Thank you be ^^ muaahugs :* -- Kwento ng tatlong mag-kaibigang pamilya ang turingan. Magkaiba man ang pinanggalingan, nananatiling matatag ang samahan. Pero paano kung ang isa sa kanila, lumihis nang la...