Idiot 11

236 10 2
                                    

Unedited!

***

Rita's Point of view

"Ritaaa! I'm kamenggg..."

Lumingon ako sa likod ko dahil narinig ko ang pangalan ko. Wala naman akong nakikitang sumusunod sa'kin. Binalewala ko na lang. Baka kapangalan ko lang.

Naglalakad ako sa gilid ng dagat, yung tama lang na mababasa yung mga paa ko.

Dumarami na ang mga tao sa beach. May mga batang naglalaro. Maganda kasi ang panahon. Walang init na tumatama sa katawan mo.

Nililibang ko nalang ang sarili ko para makalimutan ko yung sinabi ng kodaker na yon. Masama nga ugali ko, pero ngayon lang 'to dahil galit ako.

Minsan talaga ang hirap mag-tago ng nararamdaman. Totoong nararamdaman. Ang hirap mag-panggap.

Habang naglalakad ako may naka-pukaw ng atensyon ko. May nakita kasi akong amerikano na naka-porma siya ng parehong porma ni Fire first Ace sa one piece, with matching tabako pa 'yan ah.

Ang galing! Hahaha. Sa sobrang titig ko sa kaniya, nadapa ako.

As in humalik na ako sa lupa. Nakakahiya kasi ang daming naka-kita sa pagka-umod ko. Nagulat pa nga sila e. Parang ngayon lang nakakita ng taong nadapa.

"Hahaha! Lampa mo naman ale! Laki laki mo na lampa ka paren. Hahaha"

"Ale ilang ishda nakuha mo?"

"Sarap po ba humalik ng lupa, ale?" Isa-isang tanong ng mga batang pinagtatawanan ako. AT Tinawag pa 'kong ALE!

Tumayo ako at pinagpag ang mga buhanging nakapulupot pa sa'kin. Malanding lupang 'yan!

"Hoy kayo ah! Anong pinagsasabi niyo diyan? Nag-cramping lang ako dahil isa akong sikat na dancer." sabi ko at pinandilatan ko sila ng mga mata.

"lumayas kayo dahil kahit bata kayo, papatulan ko kayo." Panakot ko sa kanila.

Lumapit silang tatlo sa'kin, sabay-sabay nilang tinutok ang water gun na hawak nila. "'Di kami natatakot."

"Talaga? Kahit na sabihin kong isa akong bampire? RAAAWWWRRR!"

"Mommyyy! Daddyyy..." Takbo silang tatlo palayo sakin. Bwahahaha!

**

Naglalakad ako pabalik sa rest house. May naririnig akong malakas na music na malamang ay galing doon sa loob.

Lalong lumalakas lalo na't malapit na ako. Nararamdaman kong sumasabay sa tugtog ang heartbeat ko.

Nakikita ko ang mga tao sa loob. Nagsasayawan. Para silang nasa club. Pati 'tong mga tao sa labas napapasayaw na rin. Epal

Pumasok na ako at halos tumalsik ang earwax ko sa lakas ng volume. Sobrang lakas pala kapag nasa loob ka na.

"Whooaa.. Party! Party!" 

Napatakip ako ng tenga. Nakakabingi sobra! Tama nga si Ana, andito na nga yong iba naming schoolmates. Halu-halo na ang mga amoy nila. Amoy alak at amoy nabubulok na bayabas. Siguro kanina pa 'to sila nagpa-party dito.

Nakikisiksik na nga 'ko rito e, hinahanap ng mga mata ko sina Ana. 'Di ko mahanap.

"HEY, RITA! LETS DANCE!" Yaya sa'kin ni Icy at Kim na pinagitnaan pa 'ko at sinasayawan ako. 'Di nila ako sinisigawan ha? Malakas lang talaga ang music kaya nilalakasan din nila ang boses nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ana, Rita, Isa (The Three idiot Bitchfriends)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon