Idiot six

205 15 23
                                    


Ang chapter na ito ay puno ng kamalditahan. Unawain po sana natin ang nawasak na puso ni Rita.

---

Naka-upo ako ngayon sa tabing dagat. Hindi naman ako masiyadong lumayo sa resorts house ni Kivin. Baka maligaw ako. Marami pa namang tao.

"Hi, Rita!" Nakangiting bati sa'kin ni Icy. Naka swim-tire na siya. Tinignan ko siya from head to toe.

"Sexy ko 'no?" Tanong niya at binawian ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Oo, mukha kang kikiam." Sagot ko. Tumaas lang yung isa niyang kilay.

Nagsmirk siya sa'kin, nakakainis! Lulusong na sana siya nang magsalita ako.

"I'm sure lulutang ka."

"Bakit? Dahil payat ako?" Nakangiti pa siya ng nakakaasar at hinawakan ang katawan niyang parang mapa na dahil sa stretch mark.

"Hindi, Dahil plastic ka! Hmp!" Iniwan ko na siya. Baka sa kaniya ko pa ibuhos 'tong sama ng loob ko.

Umupo na lang ako do'n sa may batuhan. Buti't may magazine akong dala. Para kunyari nag-babasa ako pero ang totoo, tinitignan ko ang bawat kilos ng Elisa na 'yan na pinopormahan ang Gino ko.

Nagtatawanan na naman sila. Bakit kaya tawa ng tawa si Gino? Dahil ba sa mukha ni Isa? Sabagay, Kahit ako matatawa rin ako 'no.

At aba! May pa palu-palo pa 'tong panget na 'to sa braso ni Gino ko? Chansing na pangit na manyak 'to! Nako!

Humihigpit tuloy lalo ang hawak ko sa magazine. Medyo crumpled na nga, e.

Inilayo ko muna at iniayos ang magazine. Ibabalik ko pa 'to kay Jonas e.

Hala hala! May pa takip takip pa ng bibig 'tong Isa na 'to habang tumatawa.

"Excuse me, Miss. Naiintindihan mo ba 'yang binabasa mo?"

Ang arte ng panget na 'to! Siguro nakalimutan niyang mag mouthwash kaya tinatakpan niya 'yong bibig niya. Kaya pala umabot ang baho rito, e!

"Miss?"

Biglang ti-nap ni Gino 'yong ulo ni Isa. Kulang na lang magsabi siya ng 'Good dog' kay Isa. Haha. Ang sama ko ba? Wahaha.

"Oy, Miss!"

Ganiyang klase bang babae ang type niya? Wait? Type ba niya si Isa?

Bakit... Nagkakatitigan sila? Oh-My-Effin Ugly...

"Misis? Manang? Ante? Tit..."

Pagalit kong nilingon 'tong buwisit na kanina pa daldal ng daldal sa likod ko.

Isang lalaking may bitbit na camera.

"Pwedeng manahimik ka muna? One minute lang." Sabi ko saka bumalik na ang atensyon ko doon sa dalawa. Siyempre nagbabasa parin ako kunwari ng magazine.

Bakit ba ang sweet nila? Bakit ba napapatawa ni Isa si Gino? Paano niya ginagawa 'yon? Parang feeling ko kahit ngumuya lang si Isa, mapapatawa na niya si Gino.

"Naiintindihan mo ba talaga 'yang binabasa mo? Nagbabasa ka ba talaga?"

Di na ako makapokus dahil sa lalaking to ah! Ang ingay, e!

"Oo, kaya puwede? Tigilan mo 'ko, baka tumilapon ka!"

"Weh? 'Di nga? Naiintindihan mo talaga?" Napasabunot ako ng buhok ko dahil sa inis. Bwisit talaga!

"Oo nga! Isa pa, kakainin na kita!" Naiinis na talaga ako!

"Amin na nga!" Inagaw niya sa'kin ang magazine na binabasa ko. Oo, BINABASA KO!

"Bastusa... Aray!" Binato ba naman sa mukha ko 'yong magazine  Sobra na siya.

"Oh! Baliktad, e. Para kang tanga." Sabi niya at ngumiti. Bwesit talaga. Nag snob lang ako at ibinalik na 'yong tingin ko doon sa dalawa.

"Hmm.. Hulaan ko, may gusto ka sa kaniya 'no?" Sabi nitong lalaki na tinabihan akong umupo. Siguro photographer na manghuhula 'to sa park.

"Manghuhula ka ba? Sige nga, hulaan mo nga kung kelan mamamatay 'yang Elisa'ng 'yan." Sabi ko na naggigigil na nakatingin sa kanila. Syempre nagbibiro lan ako. You know? Jokes are Half meant (tama ba? Hahah)

"Ang sama mo naman kay Isa."

"Wala kang pake!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Ang ganda ni Isa 'no?" Tinignan ko siya ng naka-ngiwi. Tapos tumawa na ako.

"Seryoso ka ba? May sira ba 'yang mga mata mo? Gusto mo dukutin ko 'yan tapos palit tayo? Nang malinawan ka."

"Ang sama mo talaga."

"Whatever! Teka nga, bakit ka ba nangenge-alam, Ha? Siguro kinakausap mo lang ako para makuha mo ang loob ko tapos mayamaya sini-sales talk mo 'ko para makumbinsi mo 'ko na magpa-picture sa'yo tapos sisingilin mo ko ng singkwenta kahit ang totoo bente lang talaga ang magpa-picture!" Sabi ko na hingal na hingal. Take note, with matching labas dila 'yan. Grabe! Ang haba no'n ah.

Nag-takha ako dahil tumayo siya, tumingala ako para tignan siya. Naka-nganga pa nga ako e. Kayo kaya tumingala na tikom ang bibig. Try mo, di ba mahirap?

"Sobra ka naman. Di ka nga kasya sa camera ko e. Diyan ka na nga!"

Sabi niya tas nag walk out. Ganern? Bahala nga siya. 'Di ko naman 'yon kilala.

Umalis na lang din ako. Promise, Lalayo na talaga ako para 'di ko na sila makita.

Ana, Rita, Isa (The Three idiot Bitchfriends)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon