Idiot 10

166 7 9
                                    

Everyone knows that she's in pain. But no one knows the reason why she's hurt.- PUH

Ki's P.O.V

Padabog akong umalis sa kinaroroonan ng babaeng 'yon. Asar, e. Nilapitan ko na nga kasi mukha siyang loner, siya pa 'tong galit?

Alam ko mali ang unang ginawa ko dahil inasar ko siya. Pero mga repa! Inaasar ko lang naman e. Malay niyo 'di ba? Sumakay sa joke ko? (Yung gumawa ng baby) hehe.

Papasok na ako sa rest house nang makasalubong ko si Ana. Mabilis ko siyang hinawakan sa braso para iharap sa'kin.

"Ana, right?" Tanong ko sa kaniya. Nag-englis pa lolo niyo, oha-oha?

Pero 'di siya sumagot. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay. Mag-best friend nga sila. -__-

"Yes." Sagot niya at pilit na inaalis yung braso niya na hawak ko pa rin.

Ngumiti siya "Bakit?"

"Tanong ko lang. 'Yon bang kaibigan mo nakakausap ng matino?"

"Sino? Si Isa?"

"H-Hindi, 'yong nasa labas. Nakalimutan ko kasi pangalan niya." Sagot ko. Nakakahiya tuloy.

"Si Rita?" Tanong niya. Tumango lang ako.

"Ah, Oo. Nakakausap 'yan ng matino kapag nasasaktan." Sabi niya. Kumunot ng bahagya ang noo ko.

Nasasaktan? Bugbugin ko kaya para matino na siya kausap? Tama!

"Subukan mo lang saktan ang kaibigan ko, ikaw talaga bubugbugin ko."

Hala? Na-i-voice out ko 'yon?

"Hehe. Narinig mo? 'to naman, joke lang e. Bakit ang taray ng kaibigan mo?"

"'Di naman magtataray 'yon kung 'di mo in-umpisahan. Maliban na lang kung may ginawa kang 'di kanais-nais."

"Nilapitan ko lang naman kasi mukha siyang malungkot. Nambabara pa nga e."

"Baka may pinagdaraanan lang kaya gan'on." Sagot niya. Mukhang sanay na siya sa ugali ni Rita.


"Kapag ba may pinagdaraanan ang isang tao, kailangan mag-taray? Mambara? Paano kung may taong gustong lumapit sa kaniya para tulungan siya tapos gan'on pakikitungo niya? Imbis na lapitan siya. Siya pa tong gagawa ng paraan para lumayo yong taong gusto siyang tulungan."

"Ikaw ba ang TAONG iyon?" Tanong ni Ana na nakapag-patigil sa'kin.

Sa haba ng binitawan kong salita, ngayon lang pumasok sa utak ko lahat ng sinabi ko.

"Hindi." Sagot ko.

Naniningkit lang 'yong mga mata ni Ana. "Pasensya na kung gan'on pakikitungo niya. May pinagdaraanan lang yon. Kung 'di ka pa sanay, talagang maiinis ka sa kaniya. Hindi naman siya ganiyan e. Mabait talaga 'yan. Pwera na lang kung iniisip niya parents niya, O, 'di kaya..."

Tumigil si Ana bigla.

"Hala! Baka inalala na naman ng babaeng 'yon si Kent! Babaeng yon talaga! Sabi nang pumasok na dito e."

Akmang aalis si Ana. Baka pupuntahan niya si Rita. Kaya pinigilan ko siya.

"Ako na pupunta."

"Ako na lang, Ki. Baka tarayan ka pa n'on."

"Okay lang. Hihingi lang ako ng sorry. May nasabi kasi akong masama tungkol sa kaniya." Sana pumayag si Ana.

"Okay."

Yes! Lumabas na kaagad ako para puntahan siya.

"Oy, Ki. Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Gino sa'kin.

"Uhm, Kukuha lang ng mga magagandang litrato." Sabi ko ng nakangiti.

Binigyan naman ako ni Gino ng 'di-mo-ba-kakausapin-si-Isa-? look.

Umiling ako.

Sumibat na ako, baka kasi pilitin niya akong kausapin si Isa. 'Wag muna ngayon.

Bumalik ako kung sa'n umupo 'yong Rita. Pero wala na siya.

Nasa'n na kaya... Hala! Baka nagpaka-lunod na nga 'yon sa dagat?

Dali-dali kong hinubad ang t-shirt ko saka lumusong sa dagat.

"Ritaaa! I'M KAMENGGG!"

Ana, Rita, Isa (The Three idiot Bitchfriends)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon