-Rita-
"Alright, lazy bones! This is it. We're here." Sabi ni Icy. Nagsi-babaan na rin kami at binitbit ang mga maletang dala namin. Taray 'no? Haha.
"Wow!" Napangaga kami sa sobrang ganda! As in sobraaaa!
"Frend! Laway mo tumutulo." Sabi ni Ana, pero di ko siya pinapansin. Chi-neck ko kung totoo ngang tumutulo laway ko. And Gosh! Pinunasan ko kaagad ang bibig ko.
"Where are we?" Tanong ni Fritty. English ang loka.
"Nasa isang private resorts tayo, it's owned by one of my friend." Sagot ni Icy. Kaya tinginan kaming lahat sa kaniya.
"Sino?" We asked in chorus.
"From yours truly." Napalingon kami sa likod namin.
"Hala! Si Kivin" pabulong na sabi ni Ana.
Crush ni Ana si Kivin. Isang bad boy. Maraming bisyo. Gumagamit ng illegal drugs and more. Yes! Tama po ang nababasa niyo. He's a typical bad boy. And I don't like him.
"Welcome to batangas, girls! Kanina pa namin kayo hinihintay." Nakangiti niyang bati.
"Sana 'di ka na lang naghintay." Pabulong kong sabi. Naiinis kasi ako sa kaniya. Siniko naman ako ni Ana. Tsk!
"Tara! Dito tayo." Sabi ni Kivin. Si Icy naman biglang kumapit sa braso ni Kivin.
"E, baby! Paki dala naman ng gamit ko. Ang bigat kasi, e." Yuck! Ang anghel ng boses niya. Hindi bagay.
At ito namang si Kivin, sumunod kaagad. E, may gusto kasi siya kay Icy e.
Pinasunod kami ni Kivin papunta sa resorts house nila. Pagkapasok namin, napapa-nganga na naman ako. Putcha! E, sa ang ganda e.
Sa labas naman, Makikita mo ang dagat dahil sa glass nitong wall.
Nung papunta kami sa sala may dalawang lalaki na nakaupo. 'Yong isa kilala ko, si Jonas. At itong nakatalikod, kilalang kilala ko. Likod pa lang niya alam kong siya 'yan.
"Oh, nandito na sila." Sabi ni Jonas. Expect ko na na lilingon si Gino. Ang super duper ultra mega'ng crush ko. Wihi!
Paglingon niya ngumiti siya kaagad. Tumayo siya tapos lumapit samin.
"Akala namin 'di na kayo darating." Sabi niya. Nung tumingin siya sakin, nginitian niya ako. Automatic na nagdiriwang ang puso ko. Ang guwapo niya talaga. Eh! Kinikilig ako!
"Hi, Isa!" Masayang bati niya kay Isa. Close nga pala silang dalawa.
Nawala tuloy ang excitement ko sa katawan.
**
Kumain muna kami para makapagpahinga, gabi na kasi kami nakarating dito, e.
Pagkatapos namin maghapunan, Ipinakita na samin ni Kivin ang magiging kwarto namin. Tatlo ang guest room dito. Magkahiwalay ang room ng babae at lalake.
Maganda naman ang tutulugan namin e. May kanya-kanyang kama.
Tulog na ang lahat maliban sa'kin. Hindi ako makatulog! Kahit anong pikit ng mga mata ko, ayaw. Bumangon ako dahil pakiramdam ko nauuhaw ako.
Napatingin ako sa kama ni Isa. Wala siya ro'n. Nag teleport na naman 'yon ba.
Bumaba ako para magtungo sa kusina, pagbukas ko ng ref andaming pagkain! Jusko! Nagutom ako bigla.
BINABASA MO ANG
Ana, Rita, Isa (The Three idiot Bitchfriends)
AdventureThanks to Byancz for the beautiful book cover. Thank you be ^^ muaahugs :* -- Kwento ng tatlong mag-kaibigang pamilya ang turingan. Magkaiba man ang pinanggalingan, nananatiling matatag ang samahan. Pero paano kung ang isa sa kanila, lumihis nang la...