Bumalik ako sa rest house bandang ala sais. 'Wag na kayong mag-takha. Sabi ko nga di ba lalayo ako?
Pagkapasok ko sa loob, nakita kong kumakain na sila. Tinginan silang lahat sa'kin as if may ginawa akong masama. Ano ba 'yang mga reaksyon nila? Parang gulat na gulat. Parang nakalimutan nilang kasama pala nila ako.
"Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Gusto niyo dukutin ko mga mata niyo? Parang ngayon lang kayo nakakita ng magandang naglalakad." Sabi ko at nagderetso sa dining table.
"Ecxuse me? Mas maganda parin ako sa'yo 'no." Sabi ni Icy. Kahit kailan talaga ang papansin neto.
"Oo na, maganda ka na." Sagot ko na ikinatuwa niya.
"Really?" Tanong niya, parang 'di maka-move on sa sinabi ko e.
"Oo, 'pag walang ulo."
Tumahimik at sumimangot siya.
Tumabi na lang ako kay Ana. Si Isa naman nakatitig lang sakin. 'Di ko siya tinitganan. Ayaw ko parin siyang pansinin. Nakakainis nga e. IISANG PLATO NA NAMAN GAMIT NILANG DALAWA, Great!
Magdodonate na talaga ako ng plato sa kanila. Yun bang sa niyog? Tignan ko lang kung sa iisang plato pa rin sila kakain.
"Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Tanong ni Ana.
"Talaga? Kaya ba inuna niyong kumain bago ako hanapin?"
"Oo, nagutom kami kakahanap e. Tsaka, buti na lang may nakapag-sabi samin na okay ka lang. Nakahinga kami ng maluwag. So, we started eating. Hehe." Napatingin ako kay Ana bigla.
"May nakapag-sabi? Sino?" Tanong ko. Wala akong ideya e. Duh? Lumayo nga ako diba? Tapos may nakakita pa pala sa'kin?
"Ako!" Napatingin na lang ako bigla sa lalaking lumabas galing kusina. May bitbit siyang can beer.
"Anong ginagawa ng kodaker na 'yan dito?" Gulat na tanong ko.
Oo, siya nga 'yong madaldal na lalaking may hawak na camera.
"Rita, Si Loki, pinsan ko." Sabi ni Gino. Oh? Mag-pinsan sila?
Lumapit si Mr. Kodaker sa'kin at umupo sa bakanteng upuan sa bandang gilid ko. Inilahad niya ang kamay niya
"Kieffer Loki. Ki for short. Mabait lang ako tignan. In English, I'm just a good looKIng." Sabi niya sabay kindat sa'kin. Napangiwi ako.
Napataas tuloy ang kilay ko sa kodaker na 'to.
"As if I care?" Sagot ko sa kayabangan niya. Never kong tinanggap ang kamay niya. Masyadong mahangin ang 'sang 'to.
"So, magkakilala na pala kayo?" Tanong ni Ana. Sasagot na sana ako kaso umepal na 'tong kodaker na 'to. Kinwento niya kung paano at saan kami nagkakilala. Muntikan pa nga niyang sabihin na pinagmamasdan ko si Gino at Isa kanina e, na halos kulang na lang pumatay na ako ng tao. Pero 'di niya natuloy kasi sinipa ko yung tuhod niya sa ilalim ng mesa. Napa-aray naman siya at tinignan ako ng masama. Buti nga!
"Di ka ba kakain, ate?" Tanong ni Isa. Sus! Kunwari concerned.
"Wala na bang ibang ulam? Vegetarian kasi ako." Sagot ko.
"Oh? Kelan pa?" Tanong naman ni Ana.
"Kanina lang." Chaka lang 'no. Gutom na talaga ako. Saka na ako kakain kapag umalis na 'tong panget sa harapan ko. (Si Isa)
"Oh? Vegetarian ka?" Tanong nitong kodaker na 'to. Feeling close e.
"Oo."
"Tamang tama pala, may vegetable salad dito. Sandali lang." Tumayo si kodaker at nagtungo sa kusina. In fairness huh, gentleman.
Lahat sila nakatingin na naman sa'kin.
"Ano?" Tanong ko sa kanila, nagsi-iwas naman sila. Problema ng mga 'to?
Mayamaya bumalik na 'yong Ki at may dalang... Gulay.
Inilapag niya 'to sa harapan ko.
Ang akala ko pa naman vegetable salad talaga ang kinuha niya para sa'kin. Pero hindi!
Literal na gulay ang binigay niya. Talong, petchay, buong kalabasa, ampalaya, cabbage...
"Ubusin mo ha?" Sabi ni Kodaker at nangiti. Yung ngiting nakakaasar ba?
Kinakalaban talaga ako ng kodaker na 'to!
---
AN/ kung may mali, typos, errors man kayong makita. Just let me know, you know? Hehe.
Any, kung napapansin niyo puro kay Rita lang ang POV. Hindi ko masasabing siya ang bida. Paninindigan kong tatlo sila. Si Rita muna talaga ang Priority ko. Really, mahirap mag-isip ng scene nila. Nakaka-uga ng utak. Pero kakayanin ko, tiwala lang. God is with me. O'siya. Mas mahaba pa ang note kesa update e. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Ana, Rita, Isa (The Three idiot Bitchfriends)
AdventureThanks to Byancz for the beautiful book cover. Thank you be ^^ muaahugs :* -- Kwento ng tatlong mag-kaibigang pamilya ang turingan. Magkaiba man ang pinanggalingan, nananatiling matatag ang samahan. Pero paano kung ang isa sa kanila, lumihis nang la...