-Isa-
"Burahin mo frend! Ang panget ko sa kuhang 'yan!""Hindi ah! Hahaha!"
"Amin na! babatukan kita!"
"Oo na, eto na nga!"
Nakatingin lang ako kina ate Ana at ate Rita na nagtatalo na naman. Kanina pa 'yang dalawang 'yan. Kanina ang sweet nila tapos ayan, nag-aagawan na. Picture kasi sila nang picture dalawa. Hindi ako sumali dahil inaabangan ko sina ate Icy. Ngayon kasi ang alis namin. Hindi nga namin alam kung saan kami pupunta.
Nandito kami ngayon sa waiting area sa labas ng school.
Sinilip ko ang phone ko para tignan kung anong oras na. Eight-thirty na wala parin sila.
Narinig kong nagtatawanan 'yong dalawang nabaliw na. Papalapit sila sa kinatatayuan ko.
"Oy bunso, picture-an mo nga kaming dalawa." Utos sa'kin ni ate Ana. Kinuha ko sa kaniya yung inabot niyang cellphone.
Umupo silang dalawa uli sa bench at nag pose ala model.
"One, two, smile!" Pati ako napa-smile na rin.
"Isa pa bunso." Sabi ni ate Rita. Sumunod na lang ako.
Ibang position na naman ginawa nila. Umupo sila nang maayos at nag akbayan sila. Ngumiti sila pareho.
Napatitig ako bigla sa ayos nilang dalawa. Close na close talaga sila ate. Parang 'di mapag-hiwalay. Naiinggit ako, nakakaselos, nakakaini–
"Metegel pe be yen bense? Nengengeley ne 'teng penge nemin keke ngiti, e."
Naalimpungatan ako.
"S-Sorry ates, hehe." Sunod-sunod ang kuha ko nang picture sa kanila.
Masaya rin naman ako sa kanila e. Kahit minsan naa-out of place ako.
"Oh, tatlo naman tayo." Tumayo si ate Ana at kinuha ang phone sa'kin.
Napapagitnaan namin ni ate Rita si ate Ana, siya rin yung may hawak nang phone.
"Smile!" Pagkasabi nun ni ate Ana, nag smile ako. Wide smile.
Pagkatapos tinignan ni ate Ana 'yong first pic. namin.
"Elisa, sabi ko smile! Hindi WACKY! Isa pa nga." Sabi ni ate Ana na napakamot sa ulo niya. Napa-pout tuloy ako, nang-aasar na naman 'to. Pero yuck! Tinawag niya akong Elisa, kaderder!
Hanggang sa nakakailang kuha na kami nang mga pictures. Napagod na kami. Umupo na kami para tignan 'yong mga kuha namin. Tawa kami nang tawa.
Hindi ko alam kung bakit hinayaan namin ang iba na tawagin kaming IDIOTS kahit hindi naman talaga. Siguro ito na rin ang paraan para maitago namin ang pinagdaanan namin.
Pero hanggang saan kaya? Kaya bang itago nang pagiging idiot namin ang nakaraan?
Pero kahit ganoon. Masaya na ako kasi sila 'yong naging kaibigan ko. Kapag kasama ko sila, lagi akong matatawa. Sa kanila ako nagiging ganito ka saya. Sana 'wag kaming maghihiwalay. Sana kasama ko parin sila. Kahit alam ko sa sarili ko na iiwan ko rin sila.
"Wala pa ba sila? Quarter to nine na oh." Reklamo ni te Rita. Mainipin kasi 'to e.
Asan na nga ba kasi sina ate Icy! Baka niloloko lang kami nang mga 'yon!
Sa gitna nang paghihintay namin, may tumigil na isang itim na van sa harap namin.
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Oy frend! Sundo mo oh." Sabi ni Ate Rita kay Ate Ana.
"Gaga ka!"
"Ouch ah!"
Minsan talaga naiingayan ako sa kanilang dalawa e.
Bigla na lang bumukas yung pinto nang front seat. May nakita kaming dalawang babae na naka shades.
"Hop in, Idiots!" Si ate Icy.
Dali-dali naming binitbit yong mga bag namin atsaka nag-uunahang pumasok sa kotse. Muntikan pa ngang ma tisod si te Rita. Haha.
Pagkapasok namin nagulat kami. Narito kasi si Fritty and her friends. Classmates namin sila Fritty. Sila yung tinatawag nila ate Icy na losers. Binubully pa nga sila e. Atsaka, inaaway rin namin sila, pero in a friendly way.
"I invited them." Ate Icy.
"Hi." Sabi nina Fritty. Kaya ngumiti na lang kami sa kanila.
Umupo na kami sa pinaka-likod, nasa harapan kasi sina ate Icy. Van siguro 'to ni Kimberly. Hindi si Kim ang nagdadrive ah? 'Yong driver niya.
As I closed the cars door. Umalis na kami. Tinignan ko 'tong dalawang katabi ko na tulog na. Wow huh!
Sumilip ako sa kinaroroonan ni ate Icy "Saan tayo ate Icy?" Tanong ko.
"Basta! matulog ka na lang diyan. Save your energy. Malayo pa ang biyahe." Sagot niyang hindi lumilingon.
Ewan ko ba kung iisipin kong caring siya. Pero sure akong hindi.
Mabuti pa ngang matulog na lang ako.
--
TUH: alam ko maikli lang 'to. Hehe pasensya na. Sana magustuhan niyo, I pushed myself to published this. Nagtagal ako sobra 3mins sa pag-aantay para lang hintayin ang confirmation na na-publish na. Successful naman! 'Till next update :*
BINABASA MO ANG
Ana, Rita, Isa (The Three idiot Bitchfriends)
AdventureThanks to Byancz for the beautiful book cover. Thank you be ^^ muaahugs :* -- Kwento ng tatlong mag-kaibigang pamilya ang turingan. Magkaiba man ang pinanggalingan, nananatiling matatag ang samahan. Pero paano kung ang isa sa kanila, lumihis nang la...