Idiot five

220 15 24
                                    

Tanghali na nang magising ako. Ni wala man lang gumising sa'kin. Kahit nanununtok ako kapag ginigising, sana man lang nag buwis buhay na lang sila. Huhu!


Bumaba na ako para makakain na. Gutom na kasi talaga 'ko.


Pagbaba ko, ang ganda agad ng bungad sa'kin. Automatic na uminit ang ulo ko sa panget na 'to.


Kumakain silang dalawa at sa iisang plato pa. Si Isa at Gino.


"Ate Rita! Tara kain na." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at nag-dire-diretso lang ako.  Sumilip ako sa labas at nakita ko sina Icy na naglalaro ng volleyball sa labas kasama sina Fritty.


Si Ana naman nakikipag-usap kay Kivin. Nagtatawanan pa. Okay na siguro si Ana.


Lalabas na lang ako, nasusuka ako sa ayos nitong dalawa rito.


"Ate Rita, 'di ka kakain?" Tanong ni Isa na nakapagpa-hinto sa'kin. Naiinis ako sa boses niyang tunog bata!


"Hindi, may tonsillitis ako." Walang emosiyong sagot ko. Ni di nga ako makatingin sa kanilang dalawa e.

Wala naman talaga akong tonsillitis. Ayaw ko lang talaga sumabay sa kanila. Di ko masikmura kung silang dalawa ang kasabay ko. Baka isuka ko lang. Ugh! Bakit ba ang sungit ko? Gusto ko yung Rita na tatatanga tanga kausapin. Pero hindi lumabas e. Masiyado na akong seryoso! Tsk!


Lumabas na lang ako at tinabihan si Jonas na nagbabasa ng magazine sa chair swing. Nagtaka pa nga siya, e. Hindi ko masiyadong kilala si Jonas, nakilala ko lang siya dahil kinikwento siya sakin ni Ana. Magkaibigan kasi si Jonas, Gino, Kivin at sina Icy. Si Kivin lang 'yong may bisyo sa katawan ah. Si Gino at Jonas, matino 'yan.


"Frend, 'di ka kakain?" Tanong ni Ana.

Nakatingin si Kivin sa'kin ngayon. Tinitigan ko si Kivin, 'yon bang mamamatay na siya sa titig ko? Pero umiwas din siya at yumuko.


"Hindi." Tipid na sagot ko. Tumango lang si Ana at 'di na ulit nagtanong pa.


"Masarap ang ulam, Rita. Gusto mo kuhanan kita?" Nabigla ako sa sinabi ni Jonas. Kaya napatingin ako bigla sa kaniya.

"A-ah.. Ku-kung gusto mo lang naman." Sabi niya at napakamot sa ulo niya. Ang cute pala ni Jonas. Haha.

"Okay lang ako, salamat." 'Yan lang nasabi ko. Nahihiya ako. Hihi

Ang boring naman! Akala ko tuloy maeenjoy ko ang school break.

Mayamaya nakita kong lumabas si Isa at Gino. Nagtatawanan na naman. Kagabi pa 'yang dalawang 'yan. Baka pati utak nila pinasok na ng hangin.


Umupo sila sa bakanteng upuan, at talagang sa harap ko pa ah? Nako nako! Kalma lang Rita, 'wag kang pahahalata.

Habang nag-uusap silang dalawa, pa sulyap-sulyap ako. Yung feeling na close yung isa mong kaibigan sa crush mo?


Sana 'pag crush, crush lang. Walang mararamdamang selos. Ang hirap kasi e. Crush mo lang tapos nagseselos ka? Tsk!


'Di ko na kaya, tumayo na ako. Hinablot ko yung magazine na hawak ni Jonas.

Hinarap ko si Isa at Gino.


" 'Yan bang ka-sweet-an niyo wala nang preno?! Sa school ganiyan din kayo, hanggang dito ba naman? Hindi ba kayo napapagod? Magpahinga naman kayo!" Sabi ko saka umalis na. Ang lakas nang tibok ng puso ko. Parang sasabog na ako sa galit.



"Pasensya na kay Rita, Gino ah? Ganiyan talaga 'yan. Ayaw niyang nakakakita ng mga taong sweet."

Rinig kong sabi ni Ana.

Wala na akong pake kung anong iisipin nila. Lalayo na muna ako rito.


I really hate their closeness!


Ana, Rita, Isa (The Three idiot Bitchfriends)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon