Kabanata 76
Nakasalubong ang kilay ko, bumaba si Liham sa kotse, sinenyasan naman niya ako na sumunod na sa kanya. "I will never get out of this car." Matigas na sagot ko.
"Ano ba talaga? Parang kanina lang na tumatakbo ang kotse gusto mong bumaba." Liham smirked.
"I'm afraid I can't leave, lalo na't nasa kamay mo ang halos kalahati ng mafia ko, my twins..." Kumuyom ang kamao ko, I felt the pain sting again, dahil sa sugat, "I will never leave them."
Tumingin si Liham kay Arthur, "if you're afraid our twins will be in danger, then don't be afraid. I will let Arthur guard them and your entire mafia, there's nothing to worry about."
"Paano naman si Lessana?"
"Nakakulong siya." Sagot naman ni Liham.
Kumunot ang noo ko, nakakulong siya?
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Bumuntong-hininga si Liham, "her mind is unstable." She's crazy. "We need to lock her, baka kung ano ang gawin niya, hanggang ngayon hindi pa siya nagsasalita tungkol sa mga Defenders of Justice, though I know Lessana know a lot of things."
They must be police, politicians, soldiers, and warriors...
"Sapphire, bababa ka o ano?" Kunot-noong tanong ni Arthur, halatang hindi na makapaghintay, sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan upang itikom niya ang kanyang labi.
"Make sure nothing bad happen to my twins, if something wrong does, I will kill you myself." Lumabas na ako, si Liham naman ay ngumisi, bigla niyang hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa helicopter.
Agad ko namang binawi ang kamay ko, muling hinawakan ni Liham ang kamay ko at muli kong binawi ito sa kanya, "ano ba! I told you not to touch me! I'm off limits!" My jaw clenched.
Nagpamulsa si Liham, "Mi, please let me make it up for you."
"I can only see you in two pictures now, a bad father to our twins and a bad man who broke my heart. There's nothing you can do anymore to change any of that, five years, Liham, five years!" Giit ko. Kanina ko pa ata inuulit sa kanya iyan!
"Sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan sa buong limang taon na iyan?!" Tumaas na ang boses ni Liham, si Arthur naman ay nanatiling nakasilip sa bintana ng kotse, galit na tinignan ni Liham si Arthur, "leave."
Tumango naman siya at kumindat sa akin bago nagmaneho paalis, leaving me and Liham in this isolated court.
"Ginusto mo iyon, Liham. Desisyon mo iyon." Malamig na sagot ko sa kanya, "I made my choice too."
Liham sighed, "let's just go." Binuksan niya ang pinto ng helicopter at pumasok na, nang nasa loob siya ay inabot niya ang kamay niya sa akin para tulungan akong sumakay ngunit hindi ko iyon tinanggap. I said off limits you fucker.
Umupo na ako, may inabot namang headphone si Liham, agad ko naman itong sinuot gaya ng gusto niyang mangyari, he had his own too, he started pressing a lot of buttons, nagsimtulang umikot ang pakpak ng helicopter...
Then it moved, up in the air.
Sa bintana lang ako tumanaw habang ang helicopter ay tumataas, then it moved. So Liham is also a pilot, huh?
Tahimik kong pinagmasdan ang gubat sa ilalim namin, hanggang sa unti-unting nawala ang mga puno at napalitan ng dagat, pinagmasdan ko ang mahihinang alon sa kalagitnaan, biglang binaba ni Liham ang lipad ng helicopter, letting me see a clear picture of the sea.
Tila lumilipad ako habang pinagmamasdan ko sa malapitan ang tubig ng dagat, dahil sa ilaw mula sa buwan at mga bitwin ay tila buong daigdig ang nasa ilalim namin. It was a breath-taking sight, a beautiful landscape of darkness.
Sumimangot ako nang itaas na ni Liham ang lipad ng helicopter, sa buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa, hindi ko maiwasang isipin sina Levitrei at Levitrish, I know they're safe but... I can't be complacent with that thinking alone.
Mula sa harap ay may nakita akong isang maliit na isla, tahimik ko itong pinagmasdan, hugis itong puso na tila nahati sa dalawa, ang dulo naman nito ang magkakonekta lang, "is this island yours?"
"Yes." Tipid na sagot ni Liham, kumislap naman ang mata ko habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng isla.
Binaba ni Liham ang lipad ng helicopter, dahan-dahan habang pinapanatili ang balanse nito, nagsiliparan naman ang mga buhangin sa ilalim, tumanaw ako sa malayo at nakita na may isang malaking bahay na tila yari sa salamin.
Pinatay na ni Liham ang makina ng helicopter, he removed his headphone, ganoon din sa akin. "Let's go."
Binuksan niya ang pinto at bumaba na, sumunod naman ako, Liham offered his hand again and I just ignored it. He just smiled as we walk towards the house.
Tumigil siya sa harap ng pinto at pinihit ang busol nito, bumukas naman ito, walang sabi akong pumasok, bigla kong naalala ang date namin ni Liham noon.
It feels nostalgic.
"Gutom ka ba?" Tanong ni Liham sa akin.
Umiling ako.
"Okay, I'll tour you around the house, then." Naglakad na kami ni Liham, nadaanan namin ang salas, mga kwarto, at kusina, matapos iyon ay isang pintuan na naman, mula sa labas nito ay isang swimming pool. Napapaligiran ng matatayog na pader ang bakuran ng bahay.
Hindi ko maiwasang mamangha, all of this, is Liham's?!
Tumungo naman kami sa ikalawang palapag, "this room will be ours." Tinuro niya ang unang kwarto, pumasok kami roon, nakita ko na may veranda naman ito na nakaharap sa dagat, mabilis kong tinunton iyon, sumandal ako sa berindilya at dinama ko ang ihip ng malamig na hangin habang nakatitig sa dagat at nakikinig sa bawat paghampas ng alon sa buhangin.
"I know I've been the worst dad and the worst man, Yomi." Napatingin naman ako kay Liham, nakatanaw siya sa dagat at hindi sa akin, pinagmasdan ko ang kanyang mukha-makapal na kilay, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, at mapupulang labi.
"Mabuti at alam mo..." I managed not to stutter.
"Every fucking night, I think about you, I think about our twins, I want to see them personally, Mi. Pero natatakot ako, what if they consider me dead already? Hindi ko kaya, if that's the way they see me, then it's better they think I'm not alive, because I know my life is short."
Hindi ko alam pero nagmistulang may sariling buhay ang mga luha ko na lumalabas, I blinked them away.
Don't cry. Don't cry. Don't-
I gasped when Liham held my arm, the warmth of his skin sipped into my mine, tila matutunaw ako sa init ng hawak niya kahit na malamig ang panahon.
Napatingin ako kay Liham, his cheek was glowing with... tears.
The determined Liham was gone, the man in front of me was more of a... broken man.
Ito na ang pangatlong beses na umiyak siya. Nagulat ako nang hinila ako ni Liham, then he hid his face on my shoulder as he cry, "I'm sorry, Mi... Forgive me..." His voice cracked.
I opened my mouth but no words came out, I remained still as Liham cry.
"Forgive me, baby... forgive me..."
BINABASA MO ANG
Lovely Ever After
General FictionEver After Trilogy #2 Get dressed for revenge. Trust no one but yourself. This is the continuation of a mafia war... and love.