Kabanata 93

39.3K 1.2K 138
                                    

Kabanata 93

"Take Killua and mend his eye." Utos ni Noah sa isang tauhan na agad namang sumunod at inalalayan si Killua palabas ng silid, tinignan niya si Capo, "calm down, okay? Calm down and take a rest. Go."

Umigting ang panga ni Capo na tila pinipigilan ang sariling galit at sumunod ngunit halatang labag sa loob, lumabas na rin siya. Ako naman ay nanatiling nakatayo lang na tila isang estatwa, hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon, pero ano nga ba ang magagawa ko...

Alam kong kasalanan ko rin itong nangyari, nagawa ko pang maging thankful dahil malayo sa panganib ang kambal ko sa gitna ng maraming inosenteng buhay ang nawala. This might be selfish of me, pero sa dami ng mga rebelasyon na nangyari ay hindi ko maiwasang maging doubtful sa lahat.

Hindi ko na alam kung ano pa ba dapat ang aking pinaniniwalaan, tila bawat araw ay nagbabago ang ihip ng hangin.

"You look shocked?" Tumawa si Stella, Noah encircled his arm around her waist and gave me a smirk, tumaas naman ang kilay ko, akala ba niya naapektuhan ako sa kanyang ginawa? As if.

"Me? Shocked? Nope." Binigyan ko ang dalawa ng sarkastikong ngiti.

Stella raised one of her eyebrow but failed, nasama ang isang kilay, ayan tuloy, nagmukhang hindi niya naintindihan. "And why? Sa tingin ko kung ako ang nasa sapatos mo, magugulat ako."

"Bakit naman ako magugulat? E pareho kayong ahas, bagay na bagay kayo. And Stella, please? Masyadong malaki ang mahabo mong paa para magkasya sa aking sapatos." Tumawa pa ako kahit na sa totoo lang ay nanunuyo na ang lalamunan ko, hindi pa rin maalis sa aking mga mata ang bangkay nina Lamarta at Gemma...

"Bitch!" Akmang susugod siya nang pigilan siya ni Noah.

"Mabuti at alam mo." Malamig nang sagot ko. Humugot ako ng malalim na hininga, sa gitna ng aming titigan ay may kumatok sa pinto.

"Miss Stella, Sir Noah, ang mga bihag, saang barko sila ikukulong? Sa dati o dito na lang?" Saad ng isang lalaki.

Mga bihag? Guardian? Mama?! Tila nabuhayan ako ng pag-asa sa kalagitnaan nitong gulong napasok ko, as long as mom's alive, I can make it happen. Liham will make it happen. He will save my mother.

"Sa dating barko na lang, plus, hindi na natin bihag si Guardian dahil pagmamay-ari na siya ni Carlospein, si Milandra na lang ang atin." Ngumisi si Stella kasabay ng pagtango ng tauhan at pag-alis, ano ang ibig niyang sabihin na hindi na nila bihag si Guardian?

"Baby, nagugutom ka ba?" She traced the tips of her finger to Noah's collarbone.

Biglang kinapa ni Noah ang dibdib ni Stella dahilan upang suminghap siya, "it is you I want to eat." He grinned.

I rolled my eyes, bigla akong tinaasan ng balahibo, nakakadiri lang! "Please, go get a room."

"Can't stand seeing Noah like this to me?"

"Uh, nakatayo pa ba ako dito? If I can't stand seeing him like that to you? Common sense, Stella. Iyon ang kailangan mo ngayon."

"Aba, sumasagot ka pa, ha?!" Sinimangutan niya ako. "Baka nakakalimutan mo bihag ka namin dito?"

Tinikom ko ang bunganga ko, she was right, hindi pwede na magpakampante ako dahil sa sinabi ni Liham, he should be here now, right? Asan na kaya siya? I hope he really know everything, starting from my mafia's betrayal.

Please, Liham. I need you right now...

"Ano? Bakit hindi ka na sumasagot?" Ngumisi si Stella, bigla niyang pinulot ang isa sa mga shuriken ko, naglakad siya palapit sa akin, hinablot niya ang ilang hibla ng puting buhok ko, she started cutting half of my hair's length.

She gave me a smirk as she watch my expression, but I did not move. Nor flinch. Hindi ako maaapektuhan sa simpleng paggupit niya ng buhok ko.

"Baka gusto mong kalbuhin kita gaya ng ginawa ko sa putang best friend mo?"

"Kung puta si Lessana, mas puta ka." Umirap ako sa kanya, dahil doon ay nakatanggap ako ng sampal sa kanya, sa sobrang lakas nito'y pumutok ang labi ko, nalasahan ko pa ang dugo ko sa gitna ng pag-alon ng hapdi sa aking kutis.

Tinitigan ko ang mga hibla ng buhok ko sa marmol na ginupitan ni Stella, hanggang leeg ko na lang ang aking buhok, imbes na magalit ako sa kanya'y tila natuwa pa ako, with my short hair, I can move freely.

"She's right, bitch." Isang baritonong boses ang umalingawngaw sa paligid dahilan upang malaglag ang panga ko, agad kong tinignan ang dako ng tinig at nakita roon si Liham, I blinked, nakatutok ang dulo ng baril na hawak niya sa bungo ni Noah na nakataas ang dalawang kamay.

Naging luhaan ang aking mukha, they were tears of joy.

Halatang nataranta si Stella dahil sa biglang paglitaw ni Liham, "paano ka nakapasok dito sa barko?!"

"You might be underestimating me, Stella." Malamig na tonong aniya. Tumingin siya sa akin, his expression softened, halatang galit siya dahil sa ginawang kababuyan ni Stella sa buhok ko.

"Oh, yes, because you're stupid! Ngayong nakapasok ka sa teritoryo namin, paano ka makakalabas?" Ngumisi pa si Stella, "guards! Intruder!" Sigaw ni Stella.

"You know, Stella, you're the stupid one."

Nagkaroon ng ingay ng mga tumatakbo mula sa plataporma ng barko, palapit nang palapit ang ingay dito sa aming silid, Stella had a triumphant smile while Liham was simply complacent.

"Napapalibutan ka na ng mga tauhan namin."

"No, it's the other way around." Liham snapped his free finger, kasabay noon ay ang pagpasok ni Vonrogue at iba pang mga tauhan, duguan ang kanilang mga kamay at puting damit.

Nanlaki ang mata ni Stella, "what is the meaning of this?!" Kumuyom ang kamao niya.

"I knew this would happen." Binaba ni Liham ang baril na nakatutok mula kay Noah, may mga tauhan naman niya na agad na nagposas sa kamay ni Noah, nanginginig ang labi niya na tila natatakot. What a coward. Kanina akala mo kung sinong prinsipe kung umasta.

Halatang hindi maintindihan ni Stella, pati ako. How did he know?

"First, you sound desperate, lalo na sa inyong conference noon, when you elected whether to save Yomi's mom or not. I was listening since I implanted a speaker below the conference table, mula sa conference na iyon, agad kong na-identify kung sino ang mga traydor at kakampi. So, what I did, I let some of my men to act like they were a part of the traitor's team, then, they will wait for the right time to strike, with my command."

"Fuck you!" Galit na sigaw ni Stella, bigla niyang nilagay sa tapat ng leeg ko ang aking shuriken na tila gigilitin ako.

"You don't wanna do that, this ship and the other ship is now under my command now, your men have given up already."

"If I'll die, then I'll take Yomiere with me!" Akmang gigilitin na niya ang leeg ko nang nagkaroon ng malakas na putok ng baril dahilan upang mabingi ako ng ilang segundo, kasabay noon ay ang pagbulagta ng katawan ni Stella sa sahig.

"If you think I won't shoot you because you're Yomiere's sister, you're wrong."

"If I can't take Yomiere with me to hell, then... then I'll take everyone of us." She coughed blood, ang kanyang tagiliran ang natamaan ng baril mula kay Liham, may kinapa si Stella sa kanyang bulsa, isang remote control, she pressed the red button. "You all have thirty seconds to run for your lives, the ship is planted with bombs. Lots and lots of them..."

Lovely Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon