Kabanata 108

44.6K 1.1K 88
                                    

Kabanata 108

"Liham, kailangan mo nang magpatingin." Sabi ko sa kanya habang kumakain kaming dalawa ng almusal, tulog pa ang mga mag-lola kaya kaming dalawa lang ang nasa loob ng dining hall.

"I'm alright." He sighed.

I don't know what's happening to Liham and it somehow scares me, not only for myself but for our twins too. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya. We need an expert to check him.

"Liham, it's for your own good." So that you won't hurt others unconsciously like what you did to me last night.

"Ano ba! Hindi mo ba ako naiintindihan?!" Sigaw ni Liham dahilan upang bumilis ang pintig ng aking puso, for a moment, I saw that red dot again appear in his pupils.

Nang napansin ni Liham ang takot sa aking mukha ay bumuntong-hininga siya.

"I-I'm sorry, I lost my temper." Humugot siya ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili, he started eating again while I remained like a cold statue.

Liham never loses his temper nor composure... whatever Castro did to him, there are side effects. Like this.

"Maybe you're right." Tumingin sa akin si Liham, this time, alam ko nang siya ito. "Let's visit Racadio since he is the only trusted specialist that I know."

I was happy that at least, he listened to me. Nagsimula akong kumain, somehow, nakalimutan ko ang takot na nangibabaw kanina. At least he is back to being himself.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mangamba.

Nang matapos kaming kumain ay tumaas agad kami, nadatnan naman namin ang magkambal kasama si mama na pababa, "oh, ang aga niyo?"

"We camped outside, po." Liham smiled, "kaya maaga kaming nagising."

Tumango naman si mama, "kumain na kayo?"

"Opo." Sagot niya at nauna nang umakyat.

"Mommy, tapos na kayong mag-eat?" Lumabi si Levitrish, I gave her a smile and nodded.

"Lalabas pala kami ni Liham mamaya, may gusto ba kayong ipabili?"

"Can we just come?!" Kumislap ang mata ni Levitrei, "I mean, sawa na ako dito sa loob ng mansion."

Liham smiled, "next time, babies, promise. Ipapasyal ko kayo ni mommy."

"Talaga? Promise iyan, daddy ha?!" Sabay na pagkompirma ng aming magkambal.

"Yes, I promise." He smiled, masaya namang naghiyawan ang magkambal, tumaas na kami ni Liham, pagkatapos ay pinauna ko siyang pumasok sa aming kwarto bago pumasok sa kwarto nina Levi.

I tilted the crib and opened the drawer where I hid the device, nakita ko naman iyon na nandoon, agad ko itong kinuha at binulsa.

Nagbihis kaming dalawa ni Liham at nag-ayos ng sarili, pagkatapos ay tumawag siya kay Mr. Racadio para sabihin ang kanyang lagay. "He is free."

"Of course, ikaw ang mafia boss niya."

He smiled, "let's go."

"Ganitong kaaga?"

"Yes, as much as you want to know the results, ganoon din ako kasabik."

Lumabas na kami at bumaba, tumungo kami sa garahe at sumakay sa itim niyang kotse, pagkatapos ay nagmaneho siya palabas ng compound.

Tumigil ang kotse sa harap ng klinika, nasa tapat na kami ngayon ng Oidacar Clinic, somehow, the place brings me some memories I kept in my heart, memories that I once wanted to forget, "let's go."

Lovely Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon