Kabanata 87

49.2K 1.3K 76
                                    

Kabanata 87

Tahimik akong naghintay sa labas ng kwarto nina Levitrei at Levitrish, bumukas ang pinto at bumungad si Levitrish na may bahid ng lungkot sa mukha, tumingin siya sa akin at umiling, "mommy, ayaw ka pa rin niyang kausapin..."

Tumingin ako kay Liham nang tumikhim siya, "I'll talk to him."

Binuksan naman ni Levitrish ang pinto, pumasok si Liham doon, lumingon siya sa akin, hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko, o kung dapat bang may gawin ako, o siguro kulang pa ang isang araw na binigay namin kay Levitrei upang kumalma at mapatawad ako?

O baka naman hindi na niya ako mapapatawad pa dahil sa aking kasinungalingan...

Tahimik akong sumilip sa entrada ng kwarto, nakita ko si Levitrei mula sa malayo, nakatanaw siya sa bintana at hindi umimik, nang napansin niyang lumapit si Liham sa kanya ay tumingin siya sa kanya, "Levitrei..."

"Papa..." Ngumiti siya.

"Listen, okay?"

Tumango si Levitrei, umupo ang dalawa sa sofa ng kwarto habang ako ay nakapako sa aking kinakatayuan, kahit na mahina ang tinig nila at malayo ako ay rinig na rinig ko ang kanilang usapan.

"Your mother, she's been through a lot, a lot more than you can ever know." Pagsisimula ni Liham, sumimangot naman si Levitrei, tila ayaw akong pag-usapan, halatang hindi niya ako napansin na nanonood mula sa malayo.

"I hate mommy..." Matigas ang singkit na boses niya.

"And your mommy loves you more than you can ever know..."

"Kung mahal ako ni mommy, bakit siya nagsinungaling?" Kumuyom ang maliit na kamao ni Levitrei, hindi ko napansin na nanginig na pala ang tuhod ko, mabuti at hinawakan ni Levitrish ang kamay ko upang bigyan ako ng lakas.

Seeing my son mad at me is too much for a mother, ganito pala ang pakiramdam ng maging ina at ang iyong anak ay galit sa iyo. Ang bigat sa dibdib, tila pinipiga ang aking puso.

"Mommy, Levitrei is just mad." Bulong ni Levitrish, she's so young and here she is, comforting me.

"Hindi ka rin ba magagalit sa akin?" Mahinang tanong ko.

Ngumiti siya, "bakit naman ako magagalit sa iyo, mommy?" Lumabi siya, "ang mahalaga ay mayroon si daddy..."

Ngumiti ako, I held her small and soft hand, I traced my fingers on her delicate feature, her small fingers were warm, her nails seem to need cutting and grooming, muling bumalik ang atensyon ko sa mag-amang nag-uusap sa malayo.

"Mahal ka ng mommy mo, sa sobrang pagmamahal niya ay handa siyang magkasala para sa inyo, lying is a sin, I know that, it just proves how Yomi would go through extreme measures, be it by hook or by crook, just so you and your sister are in good condition, mas mabuti nang makilala niyo akong patay habang hindi pa ako nagpapakita dahil mag-aalala lang kayo, maybe she's afraid to lose you too, and yes, this is all my fault to begin with, kung nagpakita lang sana ako ng mas maaga ay hindi magagawa ni Yomi na magsinungaling sa inyo." Mahabang paliwanag ni Liham.

Hindi umimik si Levitrei, nagulat ako nang bigla na lang siyang umiyak ng malakas, "I hurt mommy..." He cried, nanginginig ang kanyang boses, umalingawngaw pa ang kanyang pag-iyak sa kwarto.

Lovely Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon