2

6 1 0
                                    

Lianna

"O why you're so tagal Yanapot? I'm starving na. Tsaka what happened to your face? Have you seen a ghost?" sunod-sunod na tanong ni Kristine sa akin simula ng lumbas ako sa ICU. Umiling lang ako.

"W-wala naman Kristingting. Gutom lang ako. Tara?" she just shrugged at inirapan ako which is sanay na ako. May pagka-bratty lang talaga siya. Hinila ko na lang siya at pumunta na kami sa canteen ng ospital.

"You know what? Nakasalubong ko si Doc Marco my labs! Pumasok nga siya sa ICU. Binati ko siya and nakakatampo because he never bothered to look at me and say hi to me." nakangusong kwento sa akin ng baliw na babaeng to. She has a crush on my half-brother for so long na raw. Since she was born na raw. kaloka.

"Hayaan mo na Kristine. Baka pagod lang yung tao. Alam mo na Neurosurgeon siya, utak ang inaaral. Baka nadrain na rin ang utak nun. wag mo na lang dagdagan ang sakit ng ulo niya. hehe.." natatawang sabi ko sa kanya.

Sinamaan naman ako ng tingin nito "You're so bad talaga. Are you really my friend?" nagtatampong tugon nito na dahilan na mapahagikgik ako.

"Ito naman di na mabiro. Tara na nga kumain na tayo." hinaklit ko siya papunta sa mga food para kumuha na ng pagkain. Grabe feeling ko isang linggo ako hindi nakakain dahil sa tuloy-tuloy na trabaho. Kape at tinapay na lang lagi ang laman ng tiyan ko sa isang linggo. Buti na lang at niyaya ako ni Kristine paniguradong tinapay at kape na naman ang laman ng tiyan ko para sa pananghalian.

Namili na ako ng kakain at ng matapos ay naghanap na kami ng mapupwestuhan. Nakahanap naman kami pero napatigil ako dahil halos kalapit lamang ito sa pwesto nila Doc Herrera at ang ibang resident doctor ng ibang department. Hindi naman ako titigil kung hindi ako ang laman ng usapan nila.

Hindi pa ako nakikita ng mga ito pero halos ipamukha na nila sa isa't-isa na ako'y salot lamang dito sa ospital.

"I really hate that weakling duck. Nakakahiya siya kay Gideon. She's making our department inefficient and incompetent. Ghad!! Nakaka-asar! If I have the power, patatalsikin ko na yan dito. Sayang lang ang sinusweldo niya na deserve ibigay sa iba." Nanggigigil na pahayag nito sa mga kausap. Ako naman ay tila naupos na sa kinatatayuan. Gusto ko na sanang magpalamon na lamang sa lupa dahil kitang-kita at rinig na rinig ko ang tawanan nila.

Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako masanay sa ganyang mga salita? From the day my mom knew about my existence in her womb, lahat na ata ng tao hinusgahan na ako. My life is terrible.

"Huy Yanapot! Tara na dito. Kain na tayo!" malakas na tawag sa akin ni Kristine na nagpatigil sa mga nagtatawanan at sabay-sabay nila akong tinignan ng mapangkutya. I really feel I'm not belong here.  Anywhere I go, hindi ako karapatdapat. Only in my Nanay's arms I feel at home and comfortable and the last time I felt it was 10 years ago. God snatched her away from me, from us.

I tried to ignore them at tinungo na ang kinaroroonan ni Kristine.

"Don't mind them  Lianna. You know better who you are." mapang-unawa akong tinignan at nginitian nito.

Ngumiti na lamang ako kahit gusto ko na lisanin ang lugar. "Even I don't know myself.." bulong ko sa sarili.

"Ano yun?" takhang tanong niya. akala ko hindi niya maririnig.

"W-wala. sabi ko kain na tayo." I lied. I'm sorry Kristine.

She shrugged and continue her meal. I was about to eat when someone approached me that made my appetite loss.

"Hoy Franco! Kailangan ng katulong sa emergency room, go there faster! Wag kang aanga-anga." irap nito at umalis na.

I just sighed with the thought that I haven't eaten any meal. Buti na lang may kape at tinapay. This is the life of a doctor. Darating talaga sa punto na hindi makakakain for the sake to save lives. This is where I was called. Kaya I have to dedicate my whole life here. Konting tiyaga lang at alam kong mapagtatagumpayan ko rin ito.

Inilapag ko na lang ang kutsarang may laman ng isusubo ko sanang pagkain. Tinignan ko na lang ang pagkaing nasa harap ko at lumunok na lang.

"Mauna na ako sa iyo Kristingting. Duty ko na. See you later." tumayo na ako at umalis na. Narinig ko pa ang tawag at protesta nito pero hindi ko na lang nilingon. Tumakbo na lang ako upang mas mabilis makarating sa ER panigurado kapag na-late ako makakatikim na naman ako ng sermon kay Doc Herrera. At iyon na ang iniiwasan ko.

As I approach to the ER, nakita ko ang mga taong hindi magkanda-ugaga. Kaya naman agad akong lumapit.

"D-doc. Tulungan mo po ang anak ko. S-siya na lang ang kasama ko sa buhay. Parang awa niyo na." nagmamakaawa ang nanay sa akin.

Agad kong nilapitan ang bata at may lumapit din sa aking isa pang doctor.

"Doc, ano pong nangyari?" tanong ko while attending to the patient.

"5 yrs old, male, was involved in a vehicular accident. The kid was jaywalking at hindi nakita ng driver na nakabundol around 11 am near Kalayaan Ave. Can you page any resident from Pediatric Surgery for evaluation of this case and co-management ASAP?! Also, prepare for clearance prior OR. gawin mo na at wag kang mabagal." paalala sa akin ni Doc Agustin. I did what was told to me kaso ang sabi tawagan ko daw ang Chief Resident nila who is Doc Mendrez. But who is he?

I was about to call on doc Herrera kaso hindi ko sya makita. I don't have doc Mendrez' contact number. Ah bahala na. Kailangan ko siguro magtanong sa mga—-

"What are you still doing?!" I was stunned with that voice at nanatili lang akong nakatingin dito sa humahangos na lalaki na naka-suit and tie pa. "Hey! Bingi ka ba!?" halos mapatalon pa ako sa lakas ng boses nito dahil sa galit.

"Sorry po pero sino po kayo?"

Lalong kumunot ang noo ng kaharap ko dahil sa tanong ko. Mali ba ako?

"Where's doctor Herrera? Are you a new resident here?"

"Si doc po may patient and yes doc, I am new here."

Tinaasan lang ako ng kilay at tumalikod papunta sa patient ko and assessed the kid.

"What's the case?" Tanong niya and I answered naman.
He then took out his phone and called for other surgery residents. I just looked at him how he moves and make orders sa mga tao. He's so handsome and ang astig niya. And then he looked at me seriously. Nag-init ang pisngi ko, buti na lang naka-mask ako.

"I'll talk to you later—" lumandas ang tingin niya sa  kanang dibdib ko "—Doctor Franco." Bigkas niya at umalis na.

They are all preparing the kid for OR at I started doing my task. Pero sino ba ung kanina?

-------

How is it going? Ayos po ba? Comment and Vote po kayo. Salamat ng marami sa mga makakabasa at nagbabasa nito. Love you po guys.

God bless.. Isang BIG and LOVELY Hugs sa inyo.

-A-

All my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon