KAHIT nagtatrabaho si Lianna ay hindi pa rin lumisan ang nangyaring tagpo sa kanila ni George. Ilang beses na niyang sinita ang isip na kalimutan ito ngunit binabagabag pa rin siya. Ang tibok ng puso niya ay napakabilis at halos nakikipagkarera ang nararamdaman niya. Minsan sa buhay niya ay naramdaman na rin niya ito noong first year college siya. Naalala niya yung taong laging nagbibigay sa kanya ng KitKat chocolate na paborito niya at mga liham. Hindi niya maiwasang mapangiti.
Flashback
Mabilis natapos ang huling klase niya ng araw na iyon at nagmamadali na siyang makauwi dahil paniguradong hinihintay na siya ng kanyang Inay at Uncle Lee para mag-hapunan. Excited na siya dahil may magandang balita raw sasabihin ang kanyang Inay sa kanila.
Nakangiti siyang nagpaalam sa kaniyang mga kaklase at madali siyang nag-punta sa kanyang locker, may kukunin kasi siya doon. Habang papalapit ay nabura ang masayang ngiti sa kanyang labi at napakunot ang kanyang noo dahil napansin niyang nakauwang ng kaonti ang locker. Ngunit naisip niya na baka nakalimutan niya lang isara ng mabuti ang locker dahil sa kakamadali. Ipinagkibitbalikat na lamang siya.
Binuksan niya ng maluwag ang locker at ilalagay na sana ang ibang gamit na hindi kailangan ng may mapansin siyang kakaiba. Napakunot muli ang kanyang noo at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay habang inilalabas ang tatlong pack ng KitKat bars na paborito niya.
"Bakit may KitKat dito?" nacurious siya at hinanap kung para sa kanya ba talaga ito ngunit wala siyang nakita.
"Wala namang pangalan para sa akin pero... akin na to! Nasa locker ko naman e.. hehe." Tuwang-tuwa niyang sabi at kinuha na niya ang librong kailangan at inilagay sa kanyang bag para makauwi na siya.
Nakauwi ng matiwasay at may ngiti sa labi si Lianna habang ay kain-kain na KitKat. Halos maubos na niya ito.
"Inay, I'm home!" tawag niya sa Inay niya na sa tingin niya ay nasa kusina at naghahanda na ng hapunan.
"Nandito ako 'nak sa kusina. Can you please call your Uncle Lee in the library? Kakain na tayo." Masayang utos nito.
Malugod namang sinunod ni Lianna ang mama niya at pagkatawag niya sa Uncle Lee niya ay sabay na silang nagpunta sa kusina. Agad niyang nilapitan ang kanyang Inay at hinalikan.
"Wow! Ang daming food.." sabi niya habang nakatingin sa hapagkainan na puno ng paboritong pagkain namin ni Uncle.
"Hey hon! What's the occasion?" tanong naman ni Uncle at lumapit sa inay niya at niyakap.
"Hmmmm. Tara! Let's eat first before I tell the good news." She smiled to them happily and she kissed uncle Lee. Lianna was happy to see her Inay's happy face. Halatang love na love niya si Uncle and vice versa.
They ate their supper together and she was very delighted and blessed to have a step-father just like uncle Lee. Napaka-palad nilang mag-ina dahil natanggap at minahal niya ang kanyang Inay at itinuring siya na isang anak.
Natapos na silang kumain ng dinner and its dessert time. Inilabas ni Lilibeth, ang Nanay ni Lianna ang isang chocolate cake. Tuwang-tuwa naman sila at excited na tikman ito na mismong ang inay niya ang gumawa.
"Okay, close your eyes Hon and my princess..." utos nito sa kanila.
Nagkatinginan naman silang mag-stepfather at nagtataka.
"Please.." pahabol ni Lilibeth
Walang nagawa ang dalawa kundi sumunod dito. "May nagpapaabot ng message sa inyong dalawa." Humagikgik si Lilibeth "Open your eyes Hon and my princess.."
