3

7 1 0
                                    

Lianna

I was in the middle of my rounds ng may tumawag sa akin.

"Doctora Franco." tinignan ko ito at isa siya sa mga senior resident sa department namin. Tipid akong ngumiti sa kanya bagamat nabibiglang kinausap niya ako.

"Doctora Jimenez. Bakit po?" magalang kong tanong. Isa siya sa  mga hinahangaang doctors ng ospital na ito. Why? Because she was a beauty queen. Maganda, matalino, at mabait na lahi kong naririnig sa mga kalalakihan dito. Mapa-doctor, nurse, o pasyente man.

First time na may mag-approach sa akin na senior resident ko maliban siyempre kay Kristine kaya naman naiilang ako.

"I was told by Doctora Herrera to attend some of your patients. I will help you with your assignment kahit ilan ang ibigay mo for this night. Wala ka pa ata kahit tulog at kain." nakangiti nitong sabi sa akin.

I was surprised since si Doctora Herrera ang nagutos nito. But since I badly need a rest and ito na ang opportunity ay I'll grab it na.

"Ganun po ba?" I sighed and smiled at her "Maraming salamat po Doc Jimenez. Kahit yung mga pasyente na lang na kailangan i-attend bago mag-midnight po. Nakalista po dun sa system yung mga pasyente ko po Doc. Salamat po talaga." bilin ko rito. At halos mapahiya pa ako dahil tumunog nanaman ang aking tiyan dahil sa gutom. 5 hours na ang nakalipas simula nung lunch break kaya naman ramdam na ramdam ko na ang gutom.

My cheeks burns as I heard her soft chuckle. "I'm sorry po." nahihiya kong paumanhin.

She just shrugged "Nah! It's okay. Go on, I'll check on the other patients. Get some rest and eat." tapik niya sa balikat ko at tumungo sa nurse station at tinignan ang mga pasyente.

I heaved a sigh again as I check my patient for the last time. He is a  5 year old kid with appendicitis. Nung dinala siya rito ay halos panawan na siya ng ulirat. Buti na lang naagapan pa namin. I held his little hand and uttered a prayer.

Naalala ko din yung bata kanina na na-aksidente, isinama ko na din sa panalangin. Sana successful ang surgery.

I opened my eyes and just in time ay tumunog nanaman ang aking tiyan.
---

Nandito na ako sa canteen at wala akong mapili sa pagkain dahil parang wala pa rin akong gana kumain kaya kumuha na lang ako ng freshly baked bread at pineapple juice.

"O doktora, tinapay nanaman kakainin mo?" sabi ni Ma'am Cecil, ang head pastry chef ng canteen dito sa ospital. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Ang sarap po kasi ng tinapay niyo ma'am Cecil. Freshly baked at ang sarap po talaga. The best!" Nakangiti kong sagot dito.

Napailing naman ito. "Hay naku hija! Masama iyang ginagawa mo. Aba't napansin kong hindi mo nakain ang pagkain mo kaninang tanghalian. At tinapay na lang ang kakainin mo? Hindi ba masasarap ang luto dito sa canteen?  Masabihan nga ang cook dito." palinga-lingang pahayag ni Ma'am Cecil. Naalarma naman ako.

"Hala Ma'am wag na po. Wala lang po talaga akong gana kumain marahil ay sa sobrang pagod. Wag po kayong mag-alala at pag-gising ko po ulit mamaya ay kakain na po ako ng kanin. Maraming salamat po Ma'am.  Una na po ako." paalam ko rito.

Si Ma'am Cecil ay napabagayan ko ng loob dahil hindi lamang sa masarap ang inihahain niyang tinapay kundi dahil hindi niya ako tinuring na basura. Nakikita ko sa kanya ang pagiging isang tunay na mapagkalingang ina. Kaya napakaswerte ng mga anak nito. Sa dalawang buwan kong pagtratrabaho rito sa ospital, siya at si Kristine lang talaga ang nakakausap ko ng walang ilangan. At nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos.

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay ramdam ko na ang lahat ng pagod at gutom. That's why nilantakan ko na agad ang tinapay na kinuha ko. This bread is really my favorite. Grabe napapapikit na ako sa sobrang puyat at pagod. Hayaan mo, makakatulog na ako mamaya pagkatapos kumain.

All my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon