Lianna
Dinala ako ng aking mga paa sa Emergency Exit ng ospital. This is my safe zone at lugar kung saan naibubuhos ko ang sama ng aking loob. For the very first time in my two months of working and controlling myself ay ngayon lamang ako naiyak. Why? Hindi lang dahil sa punong-puno na ako, but the things happen that made me realize that I am not belong to this hospital na pagmamay-ari ng aking ama. So how much more kung malaman pa nila na isa akong anak sa labas ng presidente ng ospital?
Isa pa na nagpapakasama ng loob ko ay dahil sa wala akong tamang sinasabi para sa kanila. I cannot tell or say what's my side, what's on my mind. Naalala ko tuloy kanina ang nangyari kani-kanina lamang sa opisina ni Doc Mendrez.
Tama nga sila. Iba ang ugali ni Doc Mendrez. He was entitled having a serious and cold treatment towards his colleagues and other people. He is a terror chief here in the hospital as what I heard and I can testify it. Sa kaseryosohan niya sa pagbabanta sa akin, doon ko naramdaman ang takot sa dibdib ko. I don't want to loss this career. I may not be the best but I know I can be the best.
I wiped and dried my tears. May mga pasyente pa ako. Aalis na sana ako ng mapansin kong may parating na nagaaway.
"You know what Sean, you're so nakakainis! I told you we're not gonna visit kuya here. Papagalitan nanaman niya tayo. And why did you drag me here and use the stairs than the elevator? Idiot ka talaga kahit kailan! Tsk!" palahaw ng isang babae base sa boses nito.
"Tsk! Wag mo ako simulan ha Anna ha! We're here because of you! Bilisan mo nga dyan!" sabi naman ng lalaki.
I don't know but I got curious dahil sa pangalang narinig ko mula sa babae. And in a few seconds ay narating na nila ang kinaroronan ko. Halos mabigla rin sila dahil may tao dito.
Nakita ko kung paano kumunot ang noo ng lalaki na sa tingin ko ay Sean ang pangalan. Naka-business suit siya, matangkad, at gwapo. He has this aura na intimidating pero maamo naman ang mukha. "Excuse us! Padaan kami." hinila na nung Sean ang kamay nung kapatid niya na Anna ang pangalan. She was wearing an all white uniform na pang-medicine base na rin sa ID na nakasabit sa leeg nito.
"Sean Martin Dela Ruiz Imperyo!!!! Bitaw! nasasaktan ako! It hurts!" sigaw ng babae at nagawa niyang makatakas sa kamay ni Sean. Agad na hinawakan nito ang kamay niya at hinimas-himas. Ako naman ay nabigla. S-sila pala ang kambal na anak ng presidente. Mas bata silang tignan sa akin. So sila ang kambal na kapatid ko?
"Ano ba naman Seanna Martina Dela Ruiz Imperyo?! Ikaw na nga itong tutulungan, ikaw pa itong galit. Bakit ba kasi ayaw mo sabihin kila dad na ayaw mo maging doktor? Sinasayang mo lang ang oras mo imbes na gawin mo ang pagpipinta at magdesign ng damit! Halika na!" muling hatak nung Sean kay Anna.
Ngunit tila ayaw magpahatak ni Anna kaya sa pwersa ay nabitawan ni Sean si Anna at hindi nakatimbang ng maayos ang huli kaya na-out balance ito. Buti na lang at nasalo ko siya ngunit ako naman ay naitulak at halos maramdaman ko ang sakit ng aking likod dahil ito ang tumama sa pader.
"Ughh!" daing ko.
"O shocks!" tinulungan ako ni Anna na tumayo. "Are you okay po, Doctora?" she asked me with apologetic look bago niya tignan si Sean. "Ikaw naman kasi Sean! Bakit mo ako binitawan?! Look she was hurt!" galit na turan nito sa kakambal.
"Nakikipaghilahan ka sa akin Anna and it's your fault kung bakit nadamay si Doc! Tsss.." galit din nitong sagot sa kakambal na babae.
Sasagot pa sana si Anna ngunit pinigilan ko na. Hindi maganda sa magkapatid ang nag-aaway dahil sa akin.
"I-it's okay. Stop arguing. I'm definitely fine. Wag kayong mag-alala." sabi ko sa kanila tho kabaligtaran talaga ang sinabi ko.
"Are you sure Doc? Sasamahan ka namin kay Kuya Marco." nagaalalang tumingin sa akin si Anna.
Tumango naman ako bilang tugon ngunit hindi ako pumayag na dalhin pa nila ako sa kuya nila, namin.
"Really, I'm fine." Ngumiti na lang ako sa kanila. Maya-maya pa ay nag-vibrate ang cellphone ko at napabuntong hininga na lang ako dahil sa nakaregister na pangalan. "Mauuna na ako sa inyo ha. Wag na kayong mag-away. Mag-iingat kayo ha?" at bago ko sila lisanin ay nginitian ko sila pareho. They are my half siblings. Finally I met them.
--
"Hello?" sagot ko sa tumatawag.
Maingay na background ang naririnig ko at may hint na ako kung nasaan nanaman itong tao na ito..
"Hoy! Nasaan na ang sustento na bigay mo sa pinakamamahal mong kapatid? Aba't ubos na ang pinanggagastos ko sa kanya! Magpadala ka na ng pera-ng babae ka! Wala ka ng awa sa kapatid mo." tuloy-tuloy na salita nito mula sa kabilang linya.
"Nagpadala na po ako last week sakto po para sa isang buwan niyo pong pangangailangan. Saan niyo po dinala ito?" Inis na sabi ko rito.
"Aba't! Hoy ikaw! Hindi mo alam kung gaano kalakas kumain at maraming magpabili itong kapatid mo ng kung ano-ano!" ang kausap ko ngayon ay ang natitirang kamag-anak ng kapatid ko sa ina. Oo, may kapatid ako sa ina. Nakakatawa mang isipin pero ang dami kong kapatid. Nakapag-asawa ang Nanay ng magsi-sixteen years old ako at nagkaroon sila ng anak na lalaki at si Liam Salcedo nga ito. Kinupkop kami ni Nanay ni Mr Salcedo isang araw ng makilala niya si Nanay. Nagkamabutihan sila at ayun nga nagpakasal. Mayaman ang pamilyang Salcedo ngunit naghirap din simula ng mamatay si Uncle Lee at si Nanay. Nanay died when she gave birth to Liam while Uncle Lee died because of an ambush. Ang kompanya ni Uncle ay napunta sa kamay ni Auntie Debra, kapatid ni Uncle Lee. Buti na lamang ay may naibahagi pa kay Liam mula sa kayamanan nito dahil para kay Liam talaga ang mga ito. Naghirap si Auntie pero dahil bata pa kami ay gumawa ng paraan si Auntie upang siya ang maging guardian namin.
Akala ko ay okay lang ngunit habang tumatagal ay ako naman ay pinapasakitan. Tanging si Liam lamang ang gusto nito. Katwiran niya ay siya lamang ang kadugo at sampid lang ako. Tiniis ko lahat iyon dahil hindi ko kayang mawalay sa aking kapatid at baka isang araw ay ilayo niya siya sa akin. Kaya hanggang ngayon ay sunod-sunuran pa rin ako sa kanya. Ngunit alam ko, malapit na at kukunin ko na si Liam at ako na ang magpapalaki sa kanya. Lalayo kami mula kay Auntie Debra.
"Akala ko ba ay doktor ka? Hindi ba malaki ang sinusweldo mo? At kulang ang binigay mo sa akin last week no. Napag-usapan natin na suswelduhan mo rin ako. Aba't ako ang nagpapakahirap alagaan ang iyong kapatid pero di mo ako tinatrato ng maayos! Ito ang tatandaan mo, kapag walang pera, walang Liam na babalik sa iyo!"
"A-auntie!!" fear registered inside me. "Ibibigay ko na po! Wag niyo lang ilayo si Liam sa akin!" nagmamakaawa ako. She knows very well what's my weakness.
"Ayan, madali ka naman pala kausap. Hihintayin ko bago mag-hating gabi ang pera." walang sabi-sabing binabaan ako ng telepono.
Napahawak na lamang ako sa aking sentido dahil sa buong araw na ito ay parang binomba ang aking katawan sa pagod at sa kaganapan. I inhaled and exhaled to relax myself. Tatapusin ko na lang muna ang isang rounds at dadalaw ako sa bahay ni Auntie Debra para bisitahin si Liam. Ilang buwan ko na rin siya hindi nakita. Buti na lang at tutulungan ako ni Doc Jimenez.
I sighed terribly and uttered a prayer.
Lord help me!.
----------
Sabaw! Hi guys! How are you all? Sana okay pa kayo.. Haha.. Mukhang baliw na ata ako since hindi ko alam kung may kausap ba ako rito. Anyways, for those who read this THANK YOU PO :*. Your commments and votes are highly appreciated. DOMO! LOVE YOU GUYS!
:* :*:*
God bless!
-A-
