5

11 1 0
                                    

Pagkatapos kong mag-rounds kanina ay agad akong nagpunta sa bahay ni Auntie Debra at heto na nga ako sa tapat ng pamamahay niya. Hindi ko alam kung bakit ganito na ang itsura ng bahay na noon ay napakaganda at maayos. Nilibot ko ang kabuuan nito at nalulungkot ako sapagkat nandito ang kapatid ko at alam kong napapabayaan ko siya sa kamay ng Auntie nito.

Madilim na sa paligid at tinignan ang oras sa aking wristwatch. Malalim na ang gabi at paniguradong nahihimbing na sa tulog si Liam. Napangiti ako sa kaalamang makikita ko muli siya kahit sandali lamang ngunit napawi rin ito ng may magsalita mula sa aking likuran.

"Aha! N-nandito kana pala aking hilaw na pamangkin!" halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya sa sobrang kalasingan.

"Auntie." magalang na bati ko sa kanya at kahit inis na inis ako ay tinulungan ko pa rin siya ng kamuntikan pa siyang bumuwal at ipinasok na sa loob ng bahay.

"Dala mo na ba ang hinihingi ko sa'yong babae ka?" singhal niya sa akin habang pinaupo ko siya sa sofa.

Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim. Kahit na masama ang ugali nito pero alam kong may kaonting kabutihan pa rin siya.

"Nasaan na?!"Singhal niya sakin at itinaas pa ang kamay.

Kinuha ko na ang sobre mula sa aking bag at iniabot ito sapat para sa kanila ng dalawang buwan. Kahit mahirap sa akin na ibigay ito dahil inipon ko ito sa dalawang buwan kong pagttrabaho para sa emergency cases at para kay Liam. Kahit doktor ako kakarampot pa rin naman ang sweldo ko kahit kumayod ako sa buong araw sa loob ng isang taon.

Nakita ko pa kung paano lumawak ang ngiti nito at kumislap ang mga mata nito sa tuwa na akala mo ay hindi na lasing. Binibilang pa nga niya ito.

"Hah! Susunod ka rin naman palang bata ka. Sa susunod dagdagan mo pa ang bigay mo ha?! Magkakasundo tayo diyan. Hala sige! Ako'y magpapahinga na!" tumayo siya at umakyat na sa pangalawang palapag ng bahay upang pumunta na sa kanyang kwarto.

Napaupo naman ako sa sofa at napahawak sa aking ulo. Sobrang sakit na at kumukulo ang aking tiyan. Napatampal na lamang ako dahil tinapay nga pala ang tanging laman ng tiyan ko. Gosh!

Nagtungo ako sa kusina ng bahay nagbabasakaling may makakain ngunit nanlumo ako dahil napaka-kalat ng kusina at halos wala ng makakain. Ano na lang ang kinakain ng kanyang kapatid? Gusto kong maiyak sa frustrations na nararamdaman ko. I badly want to get my brother and I'll take care of him. Kaso natatakot ako na mapapabayaan ko lang din siya dahil wala ako lagi sa tinutuluyan ko at busy sa trabaho. Konting panahon pa ang kakailanganin ko.

Huminga ako ng malalim at sinimulang linisin ang kusina kahit pagod na pagod at gutom na ako. Hindi ko aasahan na gagawin ito ni Auntie Debra kahit nasa huwisyo na ito.

Matapos kong maglinis ay tanging tubig na lamang ang aking ininom at nagtungo na sa kwarto ng aking kapatid.

Nakita ko kung gaano kahimbing ang tulog ni Liam. Miss na miss ko na itong batang ito. Ilang taon na rin ang bibilangin at magbibinata na ito. Lumapit ako sa kanya at tumabi rito ng dahan-dahan baka magising pa ito.

Hinalikan ko ang kanyang ulo bago ko siya yakapin. Ilang oras lang ang gugugulin ko rito dahil balik trabaho ulit ako mamaya.

Malapit na akong lamunin ng antok ngunit naramdaman ko ang paghaplos sa aking pisngi.

"A-ate." tawag sa akin ni Liam.

"L-Liam." nginitian ko siya at mahigpit na niyakap.

gumanti naman siya sa akin at halos hindi na ako makahinga sa higpit nito.

"Ate miss na miss na kita! Bakit ngayon na lang ikaw dumalaw sa akin?" naiiyak na sambit ng kapatid ko. Hindi ko napigilan at napahikbi na ako.

"I-i'm sorry baby Liam. Busy lang talaga si ate mo. Miss na miss na rin kita baby. Mmmm.." pinanggigilan ko siya at natawa naman siya at humiwalay ng bahagya sa akin.

All my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon