10

8 1 0
                                    



ILANG araw na nanatili pa sa ospital ang kanyang kapatid at bukas ay maari ng madischarge ito. Malaki ang pasasalamat ni Lianna sa kanyang kaibigan na si Kristine dahil napakalaki na ng naitulong nito simula pa ng maospital ang kapatid.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, baby?" tanong niya sa kanyang kapatid na si Liam.

"Ate, hindi na ako baby." Nakangusong reklamo nito dahil sa pagtawag niya ng baby rito. 

"I'm 9 years old already and I'm a big man!" sabi pa nito.

Napapangiti na lamang si Lianna sa kapatid dahil ang cute-cute nitong tignan. Masaya siya dahil kahit papaano ay gumagaling na ang mga sugat at pasa nito. Pasalamat siya dahil hindi na muling nagpakita at nanggulo ang Auntie Debra nila. Iniisip niya kung magfa-file pa ba siya ng TRO o hindi na. Dahil sa totoo lang, natatakot siya sa maaaring gawin nito kapag kinalaban niya ito.

Hinaplos haplos niya ang ulo ng kapatid. "Magpahinga ka na ulit Liam. Okay? I need to work for both of us. Dadalaw-dalawin ka ni ate kapag may time ako. Just get some rest." Paalam niya rito dahil ilang minute na lang ay magdu-duty na ulit siya.

Kailangan niyang kumayod ng doble para sa kanila ni Liam dahil siya lang naman ang aasahan sa lahat ng gastusin. Ayaw naman niyang abusuhin ang kabaitan ng kaibigan kahit alam niyang tutulungan siya nito.

Napabuntong hininga na lamang siya. Paniguradong tatambakan na naman siya ng trabaho ni Doc Herrera. Sa kasamang palad kasi ay naibalik siya sa supervision ng nasabing doctor. Naka-leave kasi si Doc Regalado. Sayang, ang bait-bait pa naman nito sa kanya.

"I love you ate." Out of reverie, she heard her brother at nagdulot ito ng saya at encouragement sa kanya.

She kissed her brother's forehead "Mas love ka ni ate. Sleep ka na." nakangiti pa ito at hinintay pa niyang makatulog ang kapatid bago lumabas ng silid nito.

She heaved a sigh and started walking to the elevator when someone bumped her.

"I'm sorry po." Hingi niya ng paumanhin sa nakabangga niya habang nakayuko. Sapo-sapo niya ang ulong tumama sa nakabangaan niya. "Ang sakit!" bulong niya.

Hindi alam ni Lianna kung bakit hindi man lang magsalita ang nakabungguan niya kaya naman dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at nagsisi siyang hindi umalis agad sa harapan nito.

Ilang araw niya rin iniwasan ang taong ito because of that unexpected kiss they shared. Gosh! Hindi niya maiwasang mag-blush and she knew already dahil she can feel the heat on her face.

Nang magtama ang kanilang mata ay hindi niya alam ang gagawin. She feels like she was hypnotized by his brown eyes. Goodness! What's happening to me? Umalis ka na Lianna!

"I, I am sorry Chief Mendrez! Hindi ko po sinasadya!" and finally she diverted her gaze but her eyes stopped on George's lips. Those lips!

Hindi niya namalayan na napahawak siya sa kanyang mga labi at nakatulala pa rin sa mga labi ng binata na ngayon ay may pigil na ngiti. Gosh! Bakit ang gwapo nito kahit pinipigil ang ngiti?

Muli niyang tinignan ang mga mata nito na nakikitaan niya ng iba't-ibang emosyon pero nangingibabaw doon ang saya?

"You remembered, do you?" sabi nito sa kanya ng mahina.

She can't stop but to gulp and be still.

"H-huh?"

Hindi siya pinansin ng binata bagkus ay pinalibot ang paningin nito sa paligid at ng matapos ay bumalik muli ang mga mata nito sa kanya. Telling her as if there's satisfaction and there's something he wants to do with her. Which she doesn't know what it is.

Humakbang palapit si George sa kanya until his body was inch apart from hers. Napupugto ang kanyang hininga dahil sa lapit nito sa kanya. O my God!

Hindi niya maiwasang alalahanin ang nangyari sa opisina nito.

"Why every time I see you, you're always bumping me?" bulong muli nito sa kanya at hindi niya maiwasang mapapikit dahil ang lapit-lapit nito sa kanya at ang bango-bango ng hininga nito. 

"At bakit parang iniiwasan mo ako?" kumalabog na naman ang kanyang puso. God, my heart beat is not normal...

HINDI ALAM ni George kung matutuwa ba siya o maiinis dahil after how many days he finally found the girl who's always on his dreams. Damn that kiss! Ayan tuloy, it drives him crazy.

May lakas na loob na lumapit si George kay Lianna dahil wala namang tao sa paligid dahil malalim na ang gabi. He knew already that Lianna is thinking about the kiss they've shared. Her face is red and he finds her pretty. God, George! You're damned!

"H-hindi po kita iniiwasan, Chief!" umatras ito palayo sa kanya and it irritated him.

Humakbang naman palapit ang binata hanggang sa ma-corner niya ang dalaga. He smirked. Gotcha, baby! Muli niyang inilapit ang mukha niya sa dalaga and he felt her stilled.

"I shouldn't kiss you..." he said while looking at her beautiful black eyes, nabasa niya na nasaktan ito, wait up KitKat, I'm not yet done. "But I couldn't help myself but to do it. It feels right and..." umangat ang kanyang kamay at hinaplos nito ang namumulang pisngi ng dalaga "Damn! I should be mad at you.. but I won't miss this chance to be with you again.." and with that, he kissed her again senselessly. He smiled when she kissed him back.

Damn! It feels so good!

Kahit lalaki siya, kumakabog din ng mabilis ang kanyang puso. Since then he likes her. Ten years ago pa and even though he's mad at her, mas pumapaibabaw parin ang pagkagusto niya sa dalaga. His KitKat!

Tumagal ng ilang minute bago niya putulin ang halik. Pinagdikit niya ang kanilang mga noo at pinakatitigan ang dalaga na hanggang ngayon ay nakapikit at pulang-pula. He smiled.

"I'm looking for you everywhere." Bulong niya rito.

Tumingala ang dalaga at may halong pagtataka ito.

"Why, Chief? B-bakit kailangan magalit ka sa akin? B-bakit mo ako hinalikan sa pangalawang pagkakataon?" takang tanong nito sa kanya.

"I---"

Hindi na natapos ni George ang sasabihin dahil sa pagtunog ng cellphone. Cellphone iyon ng dalaga dahil agad nitong sinagot at bahagyang lumayo sa kanya. Ayaw man niyang mapalayo sa dalaga pero mukhang tinatawag na siya ng trabaho.

"Yes doc! Papunta na po ako.."

Please lumingon ka sa akin , KitKat.

Ngunit hindi siya pinakinggan ng tadhana dahil mabilis itong umalis. Naiwan na naman siya at hindi man lamang nagpaalam ang dalaga sa kanya. That familiar pain he feels right now is unbearable. What should I do?

--

Hi guys! I'm back! :D I'm sorry for not updating. Sobrang busy lang for the past few months kasi graduating. FINALLY!! naka-graduate na ako last May. CONGRATULATIONS sa lahat ng mga grumaduate at mga ggraduate pa lang this June!! 

I hope and praying na matapos ko lahat ng nasimulan kong stories kasi I have to deactivate my account for... i don't know how long.. Ipupursue ko kasi ang aking dreams... Need to focus and kailangan talaga mag sunog ng kilay ulit.. :D 

Anyways, sana magustuhan niyo ito. While I'm still  here, I want to read comments and critiques.. I will really appreciate it. :D Love y'all...

---A---

All my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon