ILANG ORAS na ang hinihintay Ni Lianna sa paggising ng kanyang kapatid. Ilang oras na rin siya nananalangin at nagaalala. Upang kahit papaano at marelax siya ay inabala na lamang niya ang kanyang sarili sa trabaho.
Tapos na ang kanyang shift at mag-uumaga na muli. Isa't kalahating araw na ang lumipas Simula ng ilabas sa operating room ang kapatid. Doon, sa ICU, na lamang siguro siya magpapahinga kahit sa waiting area.
Narating na niya ang kapatid na nakaratay sa hospital bed at maraming naka-kabit na mga gamit pang-hospital. Hanggang ngayon iniisip niya kung bakit nagkaganito ang kapatid. Lahat naman ay ibinibigay niya sa Auntie niya para sa kanilang gastusin.
Hinaplos niya ang kamay ng kapatid at hindi napigilang umiyak. Wala na rin atang kapaguran ang kanyang tear glands sa pag-produce ng luha.
"I'm sorry baby. Hindi ka naalagaan ni ate. Napabayan kita. Kung hindi sana ako naging pabaya ay hindi mo mararanasan ito. Naging selfish si ate kaya ka niya iniwan kay Auntie. Aawayin mo pa ako diba? Maglalaro pa tayo. Tutulungan pa kita sa assignments mo. Ipagluluto pa kita ng favorite dish ni Mama." Kausap niya sa kapatid kahit umiiyak na siya.
"Kaya, wake up please. You're whole day sleeping and ate is waiting for you. Ang dami pang ikukwento ni Ate sayo. Gusto ka rin makilala ng friend ni ate. I call her Kristingting. Funny right? She's the kindest doctor I met here. Sabi niya sakin bibilhan ka niya ng maraming books. You love reading, right?."
Her brother loves reading. Kahit anong topic pa yan. Pero nakikinita ko na kung ano ang magugustuhan niyang propesyon. He loves reading Philippine Constitution, Politics, plus mga business topics. Whatever he wants sususportahan ko siya. Sabi ni Mama during her pregnancy with Liam
"If ever wala kami ng Tito mo sa tabi niyong dalawa ng kapatid mo, aalagaan at sususportahan mo siya ha. Protect him and love him. Ituro mo lahat ng pangaral na tinuro ko sayo, my Lianna. Nakikita kong magiging magaling na lawyer at businessman ang iyong kapatid. At syempre ikaw ay magiging magaling at may pusong doktor. Kahit wala kami ng Tito mo, wag kayong magpapa-api. Matuto rin kayong lumaban kung kayo ay nasa tama. Matuto rin kayong maging mapagpakumbaba. Mahal namin kayo ng Tito mo Lianna. Lagi mong ipaalala yan Kay Liam. I love you mga anak ko." Sabi ng Mama ni Lianna sa kanya habang yakap-yakap sa kanyang bisig.
That was her Mama said to the 16 years old lady, Lianna, the day before Liam's birth. Noong una hindi niya maintindihan kung bakit nagsasalita ang kanyang ina na para bang nagpapaalam. Pero yun na rin pala ang huling paguusap nila.
