Chapter 3 : Bulletproof
Dennise.Sa lahat ng okasyon o mga kaganapan na mayroon ang Laneo High. Tanging ito lang ang pinakagusto at pinakahinihintay ng mga estudyante dito... ang gang war. May kani-kaniya silang panig. Susugal, pupusta sa kung sino ang mananalo. Nangyayari lang ang kasiyahang ito tuwing friday dahil nawawala ang curfew ng mga estudyante pag sumasapit ang biyernes. May student's nightclub pa nga sa building ng Archers, lugar kung saan pumupunta ang mga estudyante matapos ang gang war.
Halos lahat excited na at gusto ng matapos ang lahat ng klase sa araw na ito. Dahil ngayon daw, Eagles at Archers ang maglalaban. Ngayon na lang ulit sila magtutuos after ng ilang linggo.
At ako? Saan nga ba ako pupunta mamaya? Mags-stay sa dorm? Matutulog? Magbabasa ng libro? Manunuod ng movies? Hindi ako mahilig sa nightclubs at hindi naman ako interisado sa gang war. Badass ako pero tamad ako sa mga ganung bagay. Si Ella at Ponggay malamang pupunta sila, mga fangirls eh.
Bahala na nga.
"So you are Dennise.." Napalingon ako sa biglang sumulpot sa tabi ko. She looks familiar. Matangkad rin siya so tinitingala ko siya.
Kunot-noo ko siyang tinignan. "Mika Reyes of Archers." She said and gave me a dishy smile. Oh geez. I'm only human dude and that sexy smile of hers might be the cause of my own death. That was absolutely sexy for me.
"What do you need from me?" I asked.
"I just wanna know you more, Den. Aside from being my bestfriend's ex-girlfriend." Natatawang sabi niya.
"How did you know? Pinag-uusapan niyo ba ako ha?" Inis na tanong ko because kagabi hindi ako makatulog agad. Una kong naisip na baka may taong walang magawa at iniisip ako buong magdamag. Tss.
"Kinda? Pero hindi mo ba alam? Kalat na sa buong Laneo na ex ka ni Ara."
"What?! How?!" This can't be! Kaya naman pala lahat ng mga estudyante na makakasalubong ko ang sama ng tingin saakin. I want a peaceful life here since may taong gusto na akong patayin dito and that is Alyssa. Speaking of that devil, hindi ko na siya muling nakita after nung scene namin sa rooftop. Pero okay na rin yun, I guess.
"Chill, Den. Alam mo naman sikat kami dito and there are tons of fangirls here kaya hindi malabong hindi kumalat yun since sa cafeteria ka namin pinagusapan."
Eh kung ganun, bakit hindi ako makatulog kagabi? Sino yung magdamag akong iniisip kagabi? Kainis. Malamang hindi Archers yun. Si Alyssa kaya? Nah, malabo. Sapakin pa ako nun eh.
"Okay, wala na naman akong pake sa kanya. Past is past."
"Ang nakaraan pwedeng balikan. Eh sa future? Walang may alam."
"So what are you trying to say?"
"Balikan mo si Ara." Seryosong sabi niya.
"Excuse me? Are you insane? Iniwan niya nga ako eh. I am not that pathetic to do something like that. Hindi siya kawalan." I said and rolled my eyes.
"Sus kunwari pa kayong dalawa. Obvious naman na mahal niyo pa rin ang isa't isa."
"Can you please shut the hell up?"
BINABASA MO ANG
Trapped (Completed)
Fanfiction"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life would be incomplete without this beautiful escapade... without her, without Alyssa." -Den. All rights reserved 2016. Written by mika m./mikays...