Chapter 19 : Verity
Alyssa.Nagising ako na maraming nakakabit sa katawan ko. Mabigat ang pakiramdam ko... senyales na narito ako sa Mansion. Hindi ko alam kung masasabi ko na bang ligtas ako dahil narito ako o mas delikado lalo na kapag tuluyang nalaman ng kalaban na nakaligtas ako.
Nung pinaalis ko si Den, saktong dumating ang Ho Mafia para itakas ako. Hindi ko na rin kasi kaya, nanghihina ako that time sa dami ng dugo na nawawala sa katawan ko. Pero ngayon, wala na yung bullet sa katawan ko. Ligtas ako. Humihinga, buhay pa.
Pero may saysay pa ba? Kung wala rin naman sa tabi ko si Den. Kung hindi pa sigurado kung tuluyan siyang magkakaroon ng malay. Kung magiging okay pa ba siya sa kabila ng mga natamo niya... at sa kabila ng drug na unti-unting nilalamon ang sistema niya.
F*ck that Gretchen! Walang kwenta! Ang tagal ko na sinabi sa kaniyang layuan ang drugs lalo pa't nalaman kong mula sa isang tagong mafia siya kumukuha. Pero ang kulit. Hindi niya alam na ginagago na siya, na ginagawa na siyang human tester. Sige pa rin siya. Tss.
At ngayon, tama nga ako... mula sa Fajardo Mafia ang mga drugs na iyon. Mas lalo pa silang nagalit sa Ho Mafia nang kanselahin ni Greta lahat ng transaksyon niya sa mga Fajardo. Ewan ko, ilang milyon din ang nawala sa mga Fajardo dahil doon.
Sa totoo lang, matagal ko nang alam lahat sa Fajardo... pero nanatili akong tahimik. Maski kay Sir James ay hindi ko sinabi. Gusto ko kasing ako lang mag-isa ang magde-desisyon at ayokong umapila pa si Sir James. Hindi ko gusto kung paano i-handle ni Sir James ang mga bagay-bagay. Kaya nagtatrabaho ako ng sarili ko lang. Sinikreto ko sa kanya ang mga nalalaman ko sa Fajardo.
Si Greta, kahit mortal ko siyang kaaway. Sinama ko siya sa plano ko. Siya nga ang nag-organisa ng mga pang-atake sa Fajardo. May mga device siyang ipinagawa. Maski yung malaking pagsabog sa abandonadong building ay tulong niya sa akin. Hindi ko alam kung galit ba sa akin si Sir James dahil nag-sikreto ako sa kanya. Pero wala na akong pake. Tapos na rin naman...
Hindi ko alam kung mabubuhay pa si Kim. Hindi ko alam kung babalik pa ang mafia nila. Kung babalik man, siguro hindi pa ngayon. After ilang years pa siguro.. kapag malakas na lalo sila.
Malaki sana ang plano kong pag-atake kaso simula nang paghinalaan ni Kim si Den... medyo nabago na. At simula rin ng mahulog ako kay Den... ayoko nang ituloy lahat. Pakiramdam ko kasi dahil kay Den ay buo na ako ulit. Nawawalan na ako ng gana sa paghihiganti. Dahil alam kong pag nagsimula ako ng gulo, si Den naman ang posibleng mawala sa akin. Mas mabuting tahimik na lang.
Pero hinahabol yata talaga ako ng gulo. Kahit anong iwas ko, walang kawala.
"Ate Ly... kamusta?" Tanong ni Deanna.
"Ayos lang. Si Dennise?" Tanong ko pabalik.
"Pinapahirapan pa rin siya ng drug na nasa katawan niya." Sagot ni Bea.
Kasalanan ko lahat ng 'to. Dapat talaga hindi ko na hinayaan si Den na pumasok sa buhay ko. Sana binura ko na lang yung feelings ko sa kanya.
"We also received a call from her family. Gusto nila makita si Den. Gusto nila pumunta rito. Lalo na ng Dad ni Den." Sabi ni Maddie.
"Pumayag ba si Sir James?" I asked. Siguradong malalagot ako sa parents ni Den. Pero I know for sure na mas nangingibabaw ang pag-aalala nila sa anak nila.
"Yep... in fact, si Sir James ang nagpasundo sa mga Lazaro para matiyak ang kaligtasan nila papunta rito." -Maddie
I nodded.
Nakakapagtaka. Pumayag agad si Sir James na magpapunta ng mga ordinaryong tao rito sa mansion. Ano naman kaya ang plano niya? Pero bahala na... I need to see Dennise.
BINABASA MO ANG
Trapped (Completed)
Fanfiction"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life would be incomplete without this beautiful escapade... without her, without Alyssa." -Den. All rights reserved 2016. Written by mika m./mikays...