Chapter 15

1.4K 43 3
                                    

Chapter 15 : Damsel in distress
Third-Person POV.

Hindi makapaniwala si Kim na naging isang malaking palya ang lahat ng mga plano niya. Aminado naman siya na hindi niya pa muna balak na patayin si Alyssa, gusto niya lang ito bigyan ng hint na hindi pa tapos ang lahat, na nagbabadya pa sila na pagbagsakin ulit ang mafia nila. Pero labis naman din ang pagkadismaya ni Kim nang malaman na hindi pa rin nagawa ng mga tauhan nila na patayin si Lazaro... ang pinakauna at pinakaimportante nilang pabagsakin sa ngayon.

"Ipaliwanag niyo nga sakin ngayon kung bakit hindi niyo nagawang patayin yung epal na babaeng yun. Gusto ko marinig! Kung wala kayong magandang sasabihin mas mabuti pa ata na kayo ang unahin kong patayin!" Naiinis na sabi ni Kim.

"Pasensya na boss Kim. Nagkagulo po dahil bago pa mag-simula na kumalat yung apoy nakatakas si Valdez, tumunog rin agad ang siren kaya agad kaming umalis sa Laneo. Pero nung dapat ho na babarilin ko na si Lazaro may isang babae din siyang kasama, na sa tingin ko, alam lahat ng nangyayari, nagawa niyang protektahan si Lazaro kahit pa nagmamadali sila sa pag-takbo."

Kumunot naman ang noo ni Kim. Hindi siya makapaniwala na may isa pang ume-extra sa ganitong sitwasyon. "Sino naman yun?! Hindi niyo nakilala sa mukha?!"

"Masyado pong madilim para maaninag ang mukha niya, pero maaari niyo pong malaman kung sino siya dahil nabaril ko ang kanyang braso, tinamaan siya."

Napangiti naman si Kim. Naisip niya na hindi magiging mahirap para sa kanya na malaman kung sino ang epal na yun dahil siya ang Vice-President ng Laneo student council. May karapatan siyang inspeksyunin ang lahat ng estudyante doon.

"Hindi na rin masama. Pero sa susunod, gusto ko perpekto na ang lahat dahil kung hindi, malalagot kayo sakin." Banta niya pa at umalis na sa silid.

Naisipan ni Kim na bumalik ulit sa Laneo para hanapin kung sino yung kasama ni Dennise nung nangyari ang sunog. Malalaman niya ito sa pamamagitan ng sugat sa braso. Tinitiyak niya na kung sino man iyon, isasama na niya rin sa pagpapadakip kay Lazaro.

Pina-plano na niyang ipadakip si Lazaro dahil sa mga nalalaman nito, pero humahanap muna siya ng magandang timing para sa lahat ng plano niya.

Sa kabilang dako naman, kasama ni Bea si Jhoana. Nag-aalala kasi si Jho sa kanya dahil sa nangyari nung nakaraang araw.

"Beatriz bakit ba parang ang tamlay mo ngayon? May nangyari ba sayo?" Tanong ni Jho.

Umiling lang si Bea at pilit na ngumiti. "Wala, baka kulang lang sa tulog."

"Isa pa, napakainit kaya. Bakit ka naman nakasuot ng long sleeves?"

Napailing na lang si Bea sa dami ng tanong ni Jho. Kung hindi lang niya talaga ito mahal baka kanina niya pa ito nasipa palayo, ganun ka-sadista mag-isip si Bea kaya madalas siyang napapaaway. Sa katunayan, kaya ganun ang suot ni Bea ay dahil tinatago niya yung sugat na natamo niya mula sa insidente nung nakaraang araw, para sa kanya masyadong delikado kung may ibang makakita o makaalam sa nangyari sa kanya.

"Ugh! You have lots of questions. Di ba pwedeng trip ko lang suotin to? Tsk!"

"Eh bakit ka nagagalit ha? Nag-aalala lang naman ako dahil baka matuyuan ka ng pawis tapos baka magkasakit ka pa. Edi sana hindi mo na lang ako pinapunta dito sa field kung aawayin mo lang din ako." Inis na sabi ni Jho.

Napahinga na lang ng malalim si Bea. "I'm not mad okay? Wag ka na mainis."

"Sus." Hindi naniniwalang sabi ni Jho.

Trapped (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon