Chapter 9 : In your arms
Alyssa.Simula nang mawala si Inay at Itay wala ng magandang nangyari sa buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ba sumaya, kung kailan ba dadating yung araw na magiging masaya ako ulit. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang gumanti ng gumanti sa lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang ko. Gusto ko na maranasan nila lahat ng sakit, gusto kong mas dumoble pa yung sakit na maramdaman nila.
Inosenteng tao, kinitilan nila ng buhay para sa pansariling kaligayahan nila. Hindi ko alam kung bakit pa sila hinayaan ng Diyos na mabuhay.
Kaya sa oras na mahanap ko silang lahat, hindi ako magdadalawang isip na kitilan sila ng buhay. Mas doble, mas malala pa sa ginawa nila kayna Inay at Itay.
"Alyssa." Mabilis kong inayos ang sarili ko at hinarap si Sir James.
"Magandang umaga po." Bati ko.
"Kamusta ang mga armas?" Tanong niya.
"Maayos na po ang lahat. Tanging ang tawag na lang ni Mr. Ford ang hinihintay at maipapadala na po iyon sa kanila."
"Ang seguridad ba ay iyong tiniyak?"
"Huwag na po kayong mag-alala. Ako na ang bahala sa lahat."
Tumango naman siya and it's a sign na pinaubaya na niya sakin ang trabaho. "Gretchen!" Malakas at madiin na sigaw ni Sir James sa kapatid ko.
Umatras na ako dahil tapos na rin naman kami mag-usap ni Sir James. Hihintayin ko lang si Gretchen dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanya. Masyado siyang mabilis mauto.
"Sir James." Mabilis na tugon ni Gretchen kahit na kabababa niya pa lang ng hagdan.
"Ano itong nalaman ko na nagkaroon ng problema sa transaksyon natin sa mga Galang?"
Tumingin muna ng masama saakin si Gretchen bago hinarap si Sir James. "Bakit nga po ba? Yung sagot pwede niyong makuha kay Alyssa."
"Sagutin mo ako ng maayos, Gretchen." Madiing sabi ni Sir James.
Napailing na lang ako. Si Ara kasi ang kumausap kay Mr. Galang na ipatigil ang pakikipag-ugnayan sa pamilya namin at dahil iyon kay Den. Mas malapit saakin si Den at hindi gusto ni Ara yun kaya sa ganitong paraan din siya gumaganti saakin dahil tiyak niyang ako ang malalagot. Tatlong milyon din ang naudlot na mapunta sa kumpanya ng mga Ho dahil sa kakitidan ng utak ni Ara. Isa pa, hindi pwedeng malaman ni Sir James ang tungkol kay Den. Hindi siya dapat madamay sa mga ganito.
"It's not my fault. Bakit hindi niyo itanong sa magaling niyong anak na si Alyssa? Siya ang nakakaalam." Inis na saad ni Gretchen.
"Sir James.." Tawag ko pero sinenyasan niya ako na huwag makialam.
"Ikaw ang kausap ko." -Sir James.
"Fine. Kinausap ni Ara yung tatay niya para itigil ang ugnayan sa pamilya natin. Bakit ginawa ni Ara yon? Dahil lang naman sa babaeng may asul na mata. Dakilang epal sa lahat." Sabi ni Gretchen at umirap.
She knows Den at oo nakita na niya ito. Siya lang naman kasi ang gagong tumutok ng baril kay Den sa nightwoods. Akala niya ba hindi ko malalaman yun? Kabisado ko na lahat ng galaw niya. Kaya sa oras na saktan niya si Den, sa oras na ulitin niya yon, ako ang makakaharap niya.
"And who's that girl?" Tila interisado na tanong ni Sir James. Hindi niya pwedeng malaman.
"Hindi niyo na ho kailangan na malaman." Sabat ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Trapped (Completed)
أدب الهواة"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life would be incomplete without this beautiful escapade... without her, without Alyssa." -Den. All rights reserved 2016. Written by mika m./mikays...