Chapter 23

387 13 0
                                    

Chapter 23 : Vulnerable

Alyssa.

Nang makabalik ako sa Laneo. Kaliwa't kanang investigators ang kumakausap sa akin tungkol sa mga nangyari nito mga nagdaang araw. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanila na biktima rin kami rito at hindi kami ang nagsimula ng gulo.

Bukod pa ron, ang mga kahina-hinalang bagay na nangyayari sa loob ng paaralan ay walang kinalaman sa akin o sa mafia. Sa totoo lang, si Kim naman talaga ang may ka-kuntsaba rito sa paaralan. Mas may kakayahan siyang mamalakad dito sa Laneo dahil sa posisyon niya.

Mabuti na ring tinatantanan na ako ng mga nag-iimbestiga. Nakakapagod sumagot sa mga katanungan nila. 

Pero sa pagbalik ko sa Laneo... mukhang normal naman. Parang walang nangyari... tahimik at balik sa normal na buhay ang mga estudyante. Marami na nag piniling wag na lang mangialam o maki-chismis sa mga nangyari... siguro dahil sa takot na rin.



Kumpleto pa rin kaming mga Agila. Piling miyembro ng mga Archers lang ang nakikita namin sa campus. Wala pa rin kasing balita kay Kim... hindi alam kung ligtas ba siyang nakatakas or what.



"Ate Ly... kumusta si Den?" Tanong sa akin ni Bea. Gusto na kasi nilang makitang bumalik si Dennise rito sa Laneo. Lalo na yung dalawang kaibigan ni Den. Si Ponggay at Ella.

"Wag kang mag-alala. Babalik din yun dito sa Laneo. Di ko alam kung kailan pero malapit na."

"Bakit hindi mo siya samahan sa mansion?" Tanong ni Bea.

"Pinababalik ako ni Sir James dito para sa mga investigators. Si Deanna pala?" Tanong ko.

"Busy siguro mag-aral."

Aaminin ko kinakabahan ako para kay Den sa unang mission niya. Sana lang di siya pabayaan ng kapatid ko.

Nagulat naman kami nang biglang bumukas ang pinto ng library room ko. Hinihingal na Maddie ang bumungad sa amin.

"Bakit, Mads?" Tanong ni Bea.

"May balita na kay Kim." Sabi ni Maddie.

"Kalat na sa Campus. Kumpirmadong patay na siya. Nakita ang katawan niya sa ilog malapit dun sa pinangyarihan ng gulo."

Pareho nila akong tinignan. Tila ba naghihintay ng reaksyon ko.

"Magtirik tayo ng kandila." Sabi ko at tumayo na.

Sumunod naman sila sa akin. 

Nang makarating kami sa hallway nagkalat ang mga estudyante. Maraming nalulungkot. Lahat sila nagsisindi ng kandila. Nakisabay na kaming mga Agila.

Maraming mata ang nakatingin sa akin... pinag-uusapan nila ako. Kung iniisip nilang ako ang pumatay kay Kim... sana nakita rin nila ang sitwasyon at inabot ko nung mga panahong yon.

Malungkot din naman ako sa pagkawala ni Kim. May respeto pa rin ako sa pumanaw na kaluluwa niya. Tao rin ako. May emosyon. Ilang beses ko ring nakaaway si Kim... nakabugbugan. Maraming gang wars ang pinagsamahan namin.

Hindi man kami magkaibigan... pero may respeto pa rin ako sa kanya kahit kaunti... iyon ay dahil pareho lang naman kaming biktima ng inhustisya kaya patuloy naming inaasam ang paghihiganti.



Matapos kong magsindi ng kandila... bumalik na ako sa sa dorm ko. Iniwan muna ako ng mga Agila. 

Pero nakasalubong ko ang dalawang kaibigan ni Den. Parehong kagagaling din sa iyak. Malamang ay nalaman na nila ang nangyari kay Kim.



Trapped (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon