Chapter 4 : Baby Blue Eyes
Dennise.Everyone's tired due to the party last night. I'm glad that I am not one of them. For sure may hangover pa to si Ella and Ponggay mamaya. Umuwi sila halos 2:30 AM na and nakakainis pa dun ay binulabog nila ang mahimbing kong tulog. Tch. I jumped off my bed and went to the comfort room. I need to have my breakfast na syempre without my roommates because both of them are wasted today.
Nakarating ako mag-isa sa cafeteria and as usual kaunti lang ang tao dahil nga siguro mga tulog pa or what yung ibang estudyante ng Laneo. I love saturdays talaga. Hihi. Umorder na ako ng pancake and hot chocolate.
"Aga mo nagising ah." Napalingon ako sa nagsalita. It's Maddie.
"Syempre, di naman ako pumunta sa nightclub kagabi." Sabi ko.
"I know. Nakita kong hindi ka kasama ng friends mo eh."
Tinaasan ko siya ng kilay. "They are just my roommates not my friends."
"Tss. Di masayang kumain mag-isa, dun tayo sa table naming Eagles." Yaya niya.
"Mas lalong hindi masaya if kayo ang makakasama ko sa pagkain ko." Sabi ko na lang.
Umirap naman siya tapos ay nagulat ako dahil biglang kinuha niya yung tray ko at naglakad palayo... papunta dun sa table nila kung nasaan sila Alyssa. Ugh! Kainis!
"Maddie! Ibalik mo yan!" Kainis ang higante na yun. Kita niyang kumakain ako eh!
So wala akong choice kundi ang maki-table sa kanila. Kahit naman ayoko wala akong magagawa. Kukulitin lang ako ng Maddie na to eh. Nagkatinginan kami ni Ly tapos ay bumaba ang tingin niya sa labi ko more like sa sugat ko tapos umiwas na ng tingin. Er. Weird niya!
"Good morning, Den!" Masayang bati saakin ng Eagles pwera kay Mads at Ly.
Hindi ko na lang sila pinansin tapos ay patuloy na kumain.
"She's rude talaga. Ayoko lang masira ang araw na to eh. Tss." Sabi ni Bea. What now? Di ko naman sinabing batiin niya ko eh.
"Maybe she's just hungry." Said Amy.
"She's cute guys." Said Mich.
"You should wear your eyeglasses, Mich." Kumento ni Bea.
"Yep she's cute because of her small size. But we prefer ramp models right?" Sabi ni Alyssa habang nakatingin sa mga kaibigan niya. Inaasar niya ba ako?!
Umagree naman lahat sa kanya even Maddie tapos nagtawanan sila. Napatingin naman ako sa katabi ni Ly na isa ring Eagle. Never ko pa siya narinig magsalita. She's always the quiet type tapos nagbabasa lang ng libro.
"She's Deanna. The youngest in the group." Bulong ni Mads saakin.
Nagnod naman ako at patuloy pa rin na kumain.
"Den hindi mo ba kami babatiin sa pagkapanalo namin?" Asked Mich.
"Oo nga especially Beatriz for improving her fighting skills." Said Amy.
Tinignan ko naman si Bea tapos ang sama ng tingin niya saakin. Seriously? Ano bang problema niya saakin? Sayang ang gwapong maganda niyang looks kung ganyan ang ugali niya. Tss. Parang si Ly eh, pero mas malala si Ly.
"Of course mananalo kayo pinaghandaan niyo eh. At isa pa, malay niyo na-sense ng Archers na may palihim na nakatutok na rifle sa kanila kaya pinili nilang matalo na lang." Inosenteng sabi ko tapos ay kumain ng pancake.
Ly frowned kaya napatingin ako sa kanya. I swear, kung nakamamatay ang titig baka kanina pa ako nakahandusay dito sa cafeteria. Pero dahil hindi nakamamatay ang titig syempre buhay pa ako. Alive and kicking.
BINABASA MO ANG
Trapped (Completed)
Fanfiction"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life would be incomplete without this beautiful escapade... without her, without Alyssa." -Den. All rights reserved 2016. Written by mika m./mikays...