Chapter 12 : F Mafia Crest
Dennise.Ang tagal ko na rin na hindi nakikita si Alyssa. For sure may inaasikaso nanaman yun sa labas ng Laneo. Halos two weeks ko na rin yata siyang hindi nakikita. Pero yung mga Agila present pa din. Minsan nga gusto ko sila lapitan para kamustahin si Ly pero paano ko naman magagawa yun kung laging nakabantay sakin itong mga Archers, laging nakasunod. At isa pa, sinabi din ni Alyssa na ayun nga, guluhin ko yung mga Archers at hayaan lang na lumapit sila saakin.
"Sh*t. Nalimutan ko yung book natin pareho." Sabi ni Mika nung palabas na kami ng building nila.
"Nasa locker mo?" Tanong ko.
"Wala nandun sa kwarto namin." Napa-facepalm na lang ako. Ano ba yan! Bakit kasi siya pa partner ko sa research paper eh.
"Ako na lang kukuha dito ka na lang Den." Sabi niya.
"Hindi sasama ako! Iwan mo pa ako dito sa labas eh ang init nga eh."
"Okay tara bilis."
Nag-stay ako sa kanila kanina kasi nag-survey kami sa Archers. Ewan ko ba dito kay Mika kung bakit yun pa pinili. Mga walang kwenta sagot nila eh kaya tuloy hahanap pa ulit kami ng ibang pagsu-surveyan.
Maya-maya pa nakapunta na kami sa room nila ni Kim kasi sila yung roommates. Nasa CR yata si Kim at naliligo pa. Kaya habang hinahanap ni Mika libro namin nilibot ko muna yung tingin ko sa kwarto nila. Napatingin ako dun sa picture ni Kim nung bata pa siya. Ang cute eh. Haha.
Pero mas may umagaw pa sa atensyon ko. Yung kwintas na nakalagay dun sa nakabukas na drawer ni Kim. May nakalagay dun na kwintas at may pendant na F na napapalibutan ng logo na hindi ko maintindihan. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kakaiba, kinabahan ako bigla.
"Oh bakit bumalik kayo?" Nagulat ako nang may mag-salita sa likod ko. Sh*t. Si Kim.
"Ah nakalimutan kasi namin yung libro namin, Kim. Eto na Den ano tara na?" -Mika
Nakangiti lang sakin si Kim pero alam kong may iba siyang iniisip. "Oh, bakit ka nandyan sa drawer ko?" Tanong pa niya.
"Tinignan ko lang yung picture mo." Sabi ko at ngumiti.
"Ah, sigurado ka yun lang ah? Baka mamaya may iba ka pang tinitignan dyan. Ayoko din kasi sa lahat yung masyadong nangingialam eh." Nakangiting sabi niya habang nakatitig saakin.
Naramdaman ko naman si Mika na lumapit samin. "Kimmy ang dami mong sinasabi, tara na nga Den." Sabi ni Mika at hinila ako palabas ng kwarto.
Sa wakas, nakahinga rin ng maluwag. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong gawin o sabihin kanina. Pero hindi kaya yung kwintas na yun ay ang F mafia crest na sinasabi ni Alyssa? Sinabi rin niya sakin na pakiramdam niya nandito lang ang espiya ng F mafia. Hindi kaya si Kim yun? Pero paano? Bakit sila galit kay Alyssa?
"Den, are you okay?"
"Ha? O-Oo naman." Sabi ko at lumingon sa likod ko dahil pakiramdam ko may nakatingin sakin. And shoot. It's Kim. Nakasunod siya samin. Napalingon din tuloy si Mika.
"Kim akala ko babawi ka ng tulog ngayon? San punta mo?" -Mika
"Pinatawag kasi ako sa principal's office eh. Hassle nga eh." -Kim
Kim Fajardo... F mafia crest... F... Fajardo. Hindi ko alam pero biglang nanghina yung tuhod ko.
"Den! Ayos ka lang ba talaga?" Nagaalalang tanong ni Mika.
"Ha? Oo naman! Kanina pa kasi tayo naglalakad eh kaya ang sakit na ng paa ko." Pagdadahilan ko. I must protect myself. Hindi ko dapat ipahalata na may alam ako. Lalo na kay Kim.
Alam ko, hindi pa ako 100% sure sa nalaman ko, wala akong proof na yun yung necklace na sinasabi ni Aly pero kailangan ko pa rin na ipaalam yun sa kanya.
"Gusto mo buhatin kita?" Tanong niya sakin pero umiling lang ako.
"Wag na. Bilisan na lang natin." Natatawang sabi ko.
"Guys mauna na ako ah." Paalam samin ni Kim.
"Sige. Bye!" Sabi ko kahit na lahat ng tingin sakin ni Kim alam ko puro makahulugan.
I need to see Alyssa. Kailangan niyang malaman lahat ng 'to.
Nakarating kami ni Mika sa library tapos sinimulan na namin yung research. Sinigurado ko talaga na matatapos namin agad kasi gusto ko ma-interview si Mika about kay Kim.
"Hindi ka naman nagmamadali no?"
"Para tapos agad natin ayaw na kitang partner eh." Sabi ko.
"Tsk alam mo kung masama pakiramdam mo dapat sinabi mo na agad sakin."
"Okay lang nga ako... ay nga pala Mika, close na close ba kayo nila Kim?"
Kumunot naman noo niya. "Bakit bigla mo natanong?"
"Wala lang masama ba magpakwento?"
"Hmm, oo close kaming lahat ng Archers. Pero si Kim siya yung pa-mysterious type kasi samin eh. Pero siya din maloko. Ewan ba dun."
"Mayaman ba sila?" I asked.
"Sobrang yaman nila pero simple lang sila ng family niya. Astig nga eh di mo aakalain na mayaman sila."
"Ah.. mabait naman noh?"
"Oo mabait lahat sila. Pero yung papa niya medyo nakakatakot din eh. Yung lolo naman niya yung sobrang mahal niya, matagal ng patay. Lagi nga rin dinadalaw ni Kim yun eh."
Nag-nod na lang ako. "Malapit siya sa family niya. Ganun ka din ba?" Sabi ko na lang para hindi siya mag-isip na puro kay Kim ang tanong ko.
"Oo naman kahit badgirl naman ako, love ko pa rin family ko."
Nag-kwentuhan lang kami ni Mika ng kung ano-ano hanggang sa di namin namalayan na magsasara na yung library. Hinatid naman niya ako sa building namin dahil madilim na rin.
"Salamat Miks!"
Ngumiti siya. "You're welcome. Bye!"
Kinakabahan ako... pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Pakiramdam ko bawat kilos ko binabantayan na ngayon. I admit, I'm scared. I need Alyssa. I need her to be with me like right now.
Someone's POV
Masyado kang maraming alam. Hindi ko hahayaan na mas lumawak pa yang mga nalalaman mo. Kaya humanda ka na, wala ka ng kawala sakin.
BINABASA MO ANG
Trapped (Completed)
Fanfiction"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life would be incomplete without this beautiful escapade... without her, without Alyssa." -Den. All rights reserved 2016. Written by mika m./mikays...