Chapter 28

953 12 1
                                    

Chapter 28 (Last Chapter): The promise...

Alyssa.

Sa bawat araw na nakakasama ko si Dennise, lalo kong nararamdaman na unti-unti akong bumabalik sa dating ako...

Yung version ko nung wala pa ang lahat ng meron ako ngayon. Yung old self ko na nakatira pa sa bukid kasama ang Inay at Itay.

Simula kasi nang mawala silang dalawa sa buhay ko, napuno na ako ng galit. Nabalot ng galit at paghihiganti ang puso ko dahil sa inhustisya sa pagkamatay ng dalawang taong importante sa akin.

Hirap na hirap akong humanap ng hustisya. Kaya tinigil ko iyon at naghiganti na lang. Hanggang sa lalong lumaki ang galit ko sa mundo.

Ang inosenteng Alyssa noon, bigla na lang naglaho.

Dahil iyon sa palagid ko.

Natuto akong manakit, pumatay, manloko... o gawing violence ang solusyon sa bawat problemang meron ako.

Tinulungan ako ni Sir James. Pero sa pagtulong na yon, parang sinanla ko na rin sa demonyo ang pagkatao ko maging ang prinsipyo ko.

Hindi naging madali ang lahat... wala akong kasama sa bawat iyak. Pero may kasama akong gumawa ng mga kahayupang bagay.

Kinalimutan ko na lang yung dating ako para maka-adapt sa bagong buhay na binigay sa akin ni Sir James.

Akala ko hindi na ako makakabalik sa dati. Akala ko tuluyan o habambuhay na akong ganito. Pero hindi.

Because of Dennise, masasabi ko na, I'm definitely living now, not just surviving.

Her love made me feel whole... again.

At ngayon, wala akong ibang gagawin kung hindi ibalik sa kanya lahat ng pagmamahal at tulong na ibinigay niya sa akin.

Gagawin ko ang lahat para sa kanya.

I mean it. I'll do everything to make her happy. I will try my best not to hurt her emotions.

Kasi base sa pagmamahal na meron ako sa kanya, mas masakit para sa akin ang makita siyang malungkot o umiiyak.

"Ly! Grabe! I love this place so much!" Tuwang-tuwa na sabi ni Den habang nagtata-takbo sa buhangin.

Nakarating na rin kasi kami finally sa small island na ini-regalo sa akin ni Sir James. I named this island as ADen. Hindi pa maayos ang isla na ito. Mayroon lang kaming maliit na transient house kung saan kami mags-stay ni Den.

Pero plano ko sanang ayusin ang lugar na 'to para mabigyan ng kabuhayan din yung mga mangingisda sa iba pang kalapit na isla.

May nagbabantay sa islang ito. Si Mang Nestor at ang batang anak niya na si Marco. Sa maliit na bahay dito sila nags-stay, pero dahil narito kami ni Den, doon muna sila sa malaking kubo na di rin kalayuan sa bahay.

Safe naman kami ni Den dito. Sinigurado naman namin nila Greta na walang kahit sinong nagtatangka sa buhay ko ang makakasunod sa amin dito.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan si Den na tuwang-tuwa. Sobrang ganda kasi rito sa lugar na 'to. Ang payapa. Ang ganda pa ng isla.

"Ly, lika rito!" Tumakbo naman ako palapit sa kanya.

"Bakit, Den?"

Niyakap naman niya ako nang mahigpit.

"Sobrang thank you kasi dinala mo ako rito. Sobrang ganda ng lugar na 'to. Sobrang need natin itong break na to."

Mas niyakap ko siya nang mahigpit. At hinalikan ang noo niya.

Trapped (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon